Sa pagdiriwang ng ika-153 anibersaryo ng pagkakatatag ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa at ika-21 Balayong Festival, hinihikayat ang lahat ng mga empleyado ng lungsod, mga opisyal ng barangay, mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at iba pang organisasyon na makibahagi sa mga nakatakdang aktibidad.
Sa bisa ng Republic Act No. 7684, tuwing ika-4 ng Marso ay ginugunita ang anibersaryo ng lungsod bilang isang “SPECIAL NON WORKING HOLIDAY” Bahagi ng pagdiriwang ang Balayong Festival Civic Grand Parade, na gaganapin sa Marso 4, 2025 (Martes) sa ganap na ika-8:00 ng umaga, na magsisimula sa Baltan Street at magtatapos sa Puerto Princesa City Baywalk.
Ang lahat ay inaanyayahan na maging bahagi ng makulay na selebrasyon na naglalayong ipakita ang pagkakaisa, kultura, at kasaysayan ng Puerto Princesa.
Discussion about this post