Itinanghal na 1st Runner-Up ang grupo ng BS in Petroleum Engineering Program ng Palawan State University (PalawanSU) sa ginanap na Petrobowl Asia Pacific Regional Qualifier 2025 noong Hulyo 8-10, sa Universiti Teknologi Petronas (UTP), Seri Iskandar, Malaysia.
Ang grupo ay binubuo nina Sheare J. Alsad, Lewel D. Escano, Rod Andrei G. Cipriano, Justine Jude D. Aborot, at Jenelyn S. Barrameda, na siyang pinangunahan naman ng kanilang tagapagsanay na si Engr. Dexter B. Tanabe.
Ayon kay Sheare Alsad, PSU- Team Captain na hindi pa rin siya makapaniwala sa pagkapanalo Aminado umano siyang may mga pagkakataong nadama niyang maliit sila kumpara sa ibang kalahok mula sa kilalang paaralan, ngunit labis ang kanyang tuwa at pasasalamat sa narating nila.
“It honestly feels surreal. I never imagined we would achieve 1st Runner-Up. Seeing our competitors from more established institutions made me doubt if we could stand on the same stage—but here we are. I’m overflowing with joy and gratitude.” ani Alsad.
“Even before we set foot in Malaysia, our team faced many challenges—both personal and logistical. There were moments when some of us almost backed out.“
“It wasn’t easy, but looking back, it was definitely worthwhile for the whole team, the experience and what we achieved made every sacrifice worth it,” pahayag pa nila.
Ang tagumpay na ito ang nagdala sa kanila para maging kwalipikado sa Petrobowl World Championship na gaganapin sa Texas, USA mula Oktubre 20-22, 2025.
Dagdag naman ni Alsad, bibigyang pansin umano niya ang pagpapatibay ng samahan ng kanilang grupo, pati na rin ang mas mahusay na komunikasyon at estratehiya.