Nakamit ng Tribu Purongitan ng munisipyo ng Cuyo, Palawan, ang kampeonato sa kakatapos lang na Saraotan sa Dalan 2025 na bahagi ng Baragatan sa Palawan Festival ngayong araw ng Lunes, Hunyo 23, na ginanap sa PGP Convention Center, Capitol Compound.
Sa apat na mga munisipyong nagpasiklaban ng kani-kanilang galing sa pagsayaw ay sa huli itinanghal na kampeon ang Tribu Purongitan na siyang mag-uuwi ng P1 Milyon bilang papremyo. Nakamit naman ng Tribu Malagnang ng bayan ng San Vicente ang unang pwesto na mag-uuwi ng P750,000 pesos habang pumangalawa naman sa pwesto ang Hubon Marayugnon ng Brooke’s Point na mag-uuwi ng P500,000 pesos at P300,000 pesos naman ang maiuuwi ng Tribu Narranon ng Narra.
Nakuha naman ng Tribu Malagnang ng San Vicente ang special awards na Best in Parade at Best in Production Design habang Best in Custume, Best in Concept, at Best in Musicality naman ang nasungkit ng Tribu Purongitan ng Cuyo.