ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Uncategorized

TS ‘Leon,’ nakalabas na ng Pilipinas

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
September 17, 2020
in Uncategorized
Reading Time: 2 mins read
A A
0
TS ‘Leon,’ nakalabas na ng Pilipinas
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Leon” na may international name na “Noul” batay sa pinakahuling impormasyong ibinahagi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pag-asa) ngayong araw.

Sa Severe Weather Bulletin No. 5 (Final) ng inilabas ng ahensiya kaninang 5 am, nananatili ang lakas ng nasabing bagyo habang papalayo sa bansa na eksaktong umalis sa PAR kaninang 3pm.

RelatedPosts

Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities

PSU, nasungkit ang unang pwesto sa Petrobowl Asia Pacific; Pasok sa World Championships sa Texas

First sighting of Horsfield’s bronze cuckoo recorded on Lawak Island, Palawan

Patuloy umano itong kikilos sa kanluran-hilagang kanluran sa buong forecast period. Liliko naman ito patungong kanluran ngayong gabi o bukas ng umaga at babagsag sa hilaga o gitnang Vietnam bukas ng umaga o sa gabi.

Aabot din umano severe tropical storm category ang nasabing bagyo sa loob ng 12 oras at peak intensity sa araw ng bukas.

Dahil din sa hanging Habagat, makararanas ng pabugso-bugsong hangin ang rehiyon ng MIMAROPA, gayundin ang Batanes, Babuyan Islands, at Western Visayas.

Maliban dito, palalakasin din ng bagyong “Leon” ang Habagat at magdadala ng panaka-naka hanggang katamtaman at minsan ay malakas na pag-ulan sa MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Caraga, Aurora, at Quezon.

Posible ring magkaroon ng baha at rain-induced landslide dulot ng malakas at walang tigil na pag-ulan lalong-lalo na sa mga lugar na bulnerable sa mga sakuna.

Epektibo rin ang Gale Warning sa western seaboards  ng Lalawigan ng Palawan kabilang na ang Kalayaan Islands, gayundin ang Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan dahil sa malakas na alon na aabot mula 2.8 metro hanggang 4.5 metro ang pagtaas. Nang dahil dito ay lubhang mapanganib ang maglalayag sa karagatan.

Bukas naman ng umaga, ang bagyo ay nasa 650 km North Northwest na ng Kalayaan Islands, Palawan o nasa labas na ng area of responsibility ng Pilipinas sa layong 15.9° N, 110.8°E.

Sa pinakauna namang post DOST-Pag-asa ngayong araw, ang Lalawigan ng Palawan at ang Occidental Mindoro ay nasa ilalim ng Yellow Warning Level. Sa Palawan, partikular na apektado ng masamang panahon ang mga munisipyo ng Kalayaan Islands, Cuyo, Cagayancillo, Magsaysay at Agutaya.

Nagpaalaala ang ahensiya na posible ang mga pagbaha sa mga mabababang lugar at landslides naman sa mga bulubunduking lugar.

Pinaalaalahanan din ng DOST-Pag-asa ang publiko at ang mga kinauukulang municipal disaster risk reduction and management council na isagawa ang mga nararapat na hakbang, i-monitor ang mga kondisyon ng panahon at abangan ang kasunod na advisory kada 5 am.

Tags: Typhoon Leon
Share70Tweet44
ADVERTISEMENT
Previous Post

Nakaw na kalabaw, muntik nang maibenta ng suspek sa isang negosyante sa Bayan ng Roxas

Next Post

E-commerce platform for farmers and local products launched

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities
Uncategorized

Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities

March 12, 2026
Habagat drenches Palawan as PAGASA tracks three weather system
Feature

PSU, nasungkit ang unang pwesto sa Petrobowl Asia Pacific; Pasok sa World Championships sa Texas

July 15, 2025
Habagat drenches Palawan as PAGASA tracks three weather system
Uncategorized

First sighting of Horsfield’s bronze cuckoo recorded on Lawak Island, Palawan

July 15, 2025
Matanda mula sa Palawan, na-stranded sa Surigao
Uncategorized

Palawan named best island in southeast asia- again

July 14, 2025
Column: high-rise housing as solution in flood-prone cities
Uncategorized

Column: Blu Carbon Ecosystems

July 14, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO
Uncategorized

Puerto Princesa mulls creation of flood control task force

July 10, 2025
Next Post
E-commerce platform for farmers and local products launched

E-commerce platform for farmers and local products launched

Rizal Mayor Odi, naghihintay ng pormal na reklamo  na manggagaling sa Sangguniang Panlalawigan

Rizal Mayor Odi, naghihintay ng pormal na reklamo na manggagaling sa Sangguniang Panlalawigan

Discussion about this post

Latest News

Strip the money and see who still files candidacy

Squatters in the boy’s club

March 13, 2026
PCSD, nilinaw ang umano’y pamumutol ng kahoy para sa motocross event sa El Nido

PCSD, nilinaw ang umano’y pamumutol ng kahoy para sa motocross event sa El Nido

March 13, 2026
Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP

Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP

March 12, 2026
Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities

Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities

March 12, 2026
INC reaffirms commitment to responsible mining and regulatory compliance following Senate hearing on March 9, 2026

INC reaffirms commitment to responsible mining and regulatory compliance following Senate hearing on March 9, 2026

March 10, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15245 shares
    Share 6098 Tweet 3811
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11695 shares
    Share 4678 Tweet 2924
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10300 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10029 shares
    Share 4012 Tweet 2507
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9738 shares
    Share 3895 Tweet 2434
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us