Muling makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog, pagkidlat, at malalakas na hangin ang ilang bahagi ng Palawan, kabilang na ang mga bayan ng Culion at San Vicente ayon sa inilabas na Thunderstorm Advisory No. 8 ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Puerto Princesa ngayong umaga ng Hulyo 11.
Sa kasalukuyan, nararanasan na ang nabanggit na kondisyon ng panahon sa mga bayan ng Coron, Busuanga, Agutaya, Magsaysay, Cuyo, Rizal, Bataraza, at Balabac.
Inaasahan ding maapektuhan ang mga karatig-lugar, kabilang ang Puerto Princesa City, lalo na kung magpapatuloy ang sama ng panahon.
Paalala naman PAGASA sa publiko na mag-ingat sa posibleng flash floods at pagguho ng lupa lalo na sa mga mabababang lugar at kabundukan.
Pinapayuhan naman ang lahat na manatiling alerto at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso mula sa PAGASA at lokal na pamahalaan.














