Arestado na ng Roxas MPS ang ikalawang Wanted Person sa kanilang munisipyo na nagtatago sa batas mula pa noong 2013.
Kinilala ang nasabing indibidwal na si Jayson Aniar Saclet, 28 anyos, binata, construction worker, at residente ng Brgy. Taradungan, Roxas, Palawan.
Sa spot report mula sa PPO, nakasaad na dakong 8:30 pm kahapon, Agosto 30, 2020 nang isagawa ng mga tauhan ng Roxas MPS ang paghuli sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Jocelyn Sundiang-Dilig ng Regional Trial Court Branch 47 (Puerto Princesa City) noong June 27, 2013.
Inaresto ang suspek dahil sa paglabag sa Section 5 (b) ng Republic Act 7610 (two counts) o ang “Anti-Child Abuse Law” at inirekomenda ang P200,000 sa bawat isa niyang kaso para sa pansamantala niyang kalayaan.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na Ng Roxas MPS ang nasabing indibidwal at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post