Nahuli na ng pulisya ang isang indibidwal na halos isang taon nang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong tangkang pagpatay.
Ang naarestong suspek ay si Ariel Veladiez Tiron Sr, 43 anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng Brgy. Magara, Roxas, Palwan.
Sa impormasyong ibinahagi ng Palawan Police Provincial Office, nakasaad na dakong 1:23 pm kahapon, Oct. 3, 2020 ay isinagawa ang pag-aresto sa suspek ng mga tauhan ng Roxas MPS sa bisa ng ibinabang warrant of arrest ni Judge Anna Leah Y. Tiongson-Mendoza ng Regional Trial Court Branch 164 noong Oct. 1, 2019. Inirekomenda rin ng korte ang P120,000 piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.
Sa kasalukuyan ay subject person ay nasa kustodiya na ng Roxas MPS para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post