Arestado ang 4 na mangingisda ng mga awtoridad sa Bgy. Danawan, Magsaysay, Palawan nitong ika-15 ng Setyembre, taong kasalukuyan.
Kinilala ang mga suspek sina, Leonido Tolosa Navarro, 33 anyos, Rank no.6 ng municipal level; Ronald Tikin Ortillano, 47 anyos, binata, at Rank no.7; Gerlito Balbos Bituin, 41 anyos, binata, at Rank no. 8; at Albert Villasor Morales, 42 anyos, binata, at pawang residente ng Wawa, Nasugbo, Batangas.
Batay sa report ng Palawan Provincial Police Office, inaresto ang 4 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Arnel P. Cezar of RTC, Fourth Judicial Region, Branch 163, Coron, Palawan dahil sa paglabag sa Sec. 92 ng RA 10654 o ‘Illegal Fishing’.
Naglaan naman ng piyansa ang Korte na naghalagang P60,000 bawat kaso.
Samantala, ang mga nahuling mangingisda ay nasa kostudiya na ng Magsaysay PNP para sa tamang desposisyon.
Discussion about this post