Huli sa drug buy-bust operation ang tricycle driver na kinilalang si Michael Toralba Socorin, 40 anyos at residente ng Libis Road, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.
Si Socorin ay naaresto ganap na 7:18 ng gabi noong Sabado, November 13, sa Barangay San Pedro matapos bentahan ng hinihinalang shabu ang undercover agent ng PNP.
Nakuha mula sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinag hihinalaang shabu, buy bust money, cellphone at ang tricycle na gamit nito.
Ayon kay P/Capt. Alta Xerxes Cabillage, Commander ng City PNP Station 1, hindi naman sila nahirapan mahuli ang suspek na bago lang anya napasama sa kanilang listahan ng drug personalities.
Aminado naman ang suspek sa kaniyang ginawa na ini-uutos lamang umano kapalit ng pera na aniya kanyang naisip na paraan para buhayin ang pamilya ngayong pandemya. Umamin din ito na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito partikular na ang paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Discussion about this post