Arestado ng Roxas Municipal Police Station, 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company at PHPT- Palawan ang lalaki na wanted sa batas sa Barangay San Rafael, Puerto Princesa City nitong Ika-12 ng Nobyembre.
Kinilala ang naaresto na si Albert Cayapas, 27 anyos, construction worker at residente ng Brgy Binduyan. Siya ay Rank No. 4 na wanted ng Roxas.
Sa pamamagitan ng warrant of arrest permado ni Judge Jocelyn Sundiang Dilig ng RTC Branch 47, Puerto Princesa City sa kasong paglabag sa Anti Child Abuse Law.
Kinakailangan makapaglagak ng pyansa sa kaso ang arestado sa halagang P200,000 para sa pansamantalang kalayaan nito. Sa ngayon ay nasa kostudiya ng Roxas MPS ang suspek para sa kaukulang desposisyon.
Discussion about this post