Hawak na ng Police Station 2 ang dalawang suspek na pumaslang sa biktima na si Leonito Agnas Ero, 48-anyos, construction worker, at residente ng Barangay San Manuel.
Kinilala ang mga ito na sina Johnrey Evangelista Boholst, 42 anyos, construction worker at si Angelbert Oquendo Naelgas, 32 anyos, mekaniko at parehong residente sa Purok Honda Bay, Barangay Sta. Lourdes.
Sa ginawang hot pursuit operation ng PS2, natuntun ang mga ito kung saan natagpuan sa bahay ni Boholst ang isang kutsilyo na ginamit umano sa pagpatay.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, ang pumatay sa biktima ay si Naelgas.
Sinampahan na ng kasong pagpatay ang dalawa.
Discussion about this post