Hawak na ng mga awtoridad ang dalawang suspek na pumaslang sa isang lalaking natagpuang patay sa Purok Zigzag, Barangay Sta. Lucia, noong Martes, ika-15 ng Marso, pasado 6:30 ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Belendro Binabece Bermudez, 57-anyos, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.
Habang ang dalawang suspek naman ay kinilalang sina Edward Valdez at Jayson Riomalos.
Sa isinagawang imbestigasyon sa pangunguna ni Police Major Noel Manalo Station Commander ng PS2 matapos silang makatanggap ng tawag mula sa City Mobile Force Company (CMFC), dalawang maglive-in partner ang nagbigay ng salaysay sa pulisya.
Ayon kay Armando Malubay, nagpapakain siya ng mga manok nung umaga ng trahedya nang may nakita siyang katawan ng isang lalaki na nakahandusay malapit sa bahay nila.
Ayon rin kay Babylyn Sabdani Lumbay, nakita raw ang mga labi ng biktima noong Lunes, ika-14 ng Marso, ganap na 7:00 ng gabi na nakikipag-inuman sa suspek na si Edward Bautista alyas “Nognog” at narinig nito ang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.
Napag-alaman ng news team na ang dahilan sa pamamaslang ng dalawa ay dahil sa pagbibiro ng biktima na kayang nitong i-magic o gawing pera ang dahon.
Tila ay napikon naman ang dalawa at hinampas umano ng bote sa ulo ni Riomalos alyas “Burdig” ang biktima at sumunod si Nognog na hinampas din ito ng kahoy dahilan ng pagkasawi nito.
Sinampahan na ng kasong pagpatay ang dalawa.
Sa dalawang insidente ng pamamaslang ngayong linggo ng Marso ay agad naresolba ng PS2 ang dalawang kaso.
Naaresto na ang mga suspek na ngayon ay nasa piitan na ng Puerto Princesa City Police Office.
Discussion about this post