Nakahanda na ang Philippine Coast Guard District Palawan sa nalalapit na Semana Santa kung saan bumuo na sila ng Deployable Response Group na kumpleto na sa mga kagamitan na gagamitin sa pagresponde sa mga kalamidad sa Puerto Princesa, maging sa mga sub-station sa lalawigan ng Palawan.
Ayon kay Coast Guard Commodore Rommel Supangan CGDPal, alerto na ang Coast Guard District Palawan at sapat ang mga tauhan na i-deploy sa mga lugar na pagdarausan ng mahal na araw.
“Naka-heightened alert na ang CGD-Palawan at mayroon anim na daang PCG habang nasa humigit-kumulang 1,000 na Coast Guard Auxiliaries na meron tayo at ngayong araw bumuo na tayo ng deployable response group na sila ang tutugon kong sakaling may sakuna sa mahal na araw,”ani Supangan.
Magiging katuwang ng CGD-Palawan ang Coast Guard Auxiliary District Palawan at paiigtingin ang pagbabantay at inspeksyon sa lahat ng seaport, beaches, dahil inaasahan ng CGD-Palawan na dadami ang local Tourist at foreign Tourist ngayong mahal na araw at bakasyon.
Magsasagawa din ng seaborne patrol operations sa area of responsibility na sakop ng Puerto Princesa at Palawan.
Discussion about this post