Inihandog ng Ace Hospital sa publiko ang kauna-unahang Chemotherapy Unit sa Palawan noong Abril 29, 2022.
Ayon kay Dr. Joseph M. Tovera, MD., FPCP, FPSMO at isang IM-ONCOLOGY, mas mura ang pagpapagamot ng cancer sa kanila kumpara umano sa Manila kung saan maari umano umabot ng daang libo depende sa ospital na mapupuntahan.
“With more services as you saw a while ago it’s a comprehensive holistic approach yung cancer center po natin bringing in advocates, stakeholders, NGOs the government as well, PCSO, Philhealth para mas comprehensive yung gamutan natin ng cancer,” ayon kay Dr. Tovera.
“Mayroon na po akong knowledge diyan kasi napag meeting-an na po ng board ng Ace Medical Center Palawan yung BRCA Mutation Testing that will costa patient ₱50,000.00 sobrang baba po niyan compare the one they charged sa Manila which more than ₱200,000.00,” dagdag pa nito.
“Yung OncoPanel and Colorectal which is a minimum of 4 genes, yung lung install genes in Manila that is also cost ₱150,000.00 to ₱300,000.00 but here we can make it available to patients here in our community at around ₱70,000.00. Mahal po talaga but knowing the abnormal genes in the patient it’sthe best way to treat cancer.”
Dagdag pa ni Dr. Tovera, kaagapay umano ng ospital ang lokal ng pamahalaan sa Palawan maging ang ilang mga Non-Government Organizations (NGOs) na tutulong sa mga kapos-palad na indibidwal na mabawasan ang gastusin sa ospital.
“Number one po because of this partnership we ask to reduce price from out partner from the international community and number two [2] we really need to establish leakages of our partnership with our local counterparts it’s just knowing what they can help actually to our patients. We might be able to look for solutions on how we will be able to reduce further burden ng mga patients natin dito sa ating community.”
“Pilipinas Shell Foundation is also a partner, the organization was already there years back and they are helping patients with cancer lalong-lalo na yung mga nangangailangan po lalo na yung mga nasa marginalize in the society as I say and this are the focus talaga ng ating PCSO, PSWD, the local government, provincial government and the palawan cancer support group.”
Paglulunsad ng Hemodialysis Unit
Pormal na inilunsad ng mga doktor at staff ng ACE Medical Center ang kanilang hemodialysis unit noong Abril 21.
Mayroon itong 12 brand new dialysis stations na kayang magbigay ng hanggang 30 dialysis treatments sa isang araw.
Tinalakay ni Dr. Sara Ordillo Lim ang “Early Detection and Prevention of Chronic Kidney Disease” at hinikayat nito ang lahat na magpa-check-up, lalo na’t ang Chronic Kidney Disease ay sinasabing “silent killer.”
Samantala, naroon din ang Palawan Philippine Charity Sweepstaked Office Officer In Charge na si Ma. Naroon si Victoria Colisao na hinimok ang mga tao na patuloy na suportahan ang PCSO dahil ito ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan bilang bahagi ng kawanggawa.
Discussion about this post