Ayon kay Comelec Officer lll Sheila Sison, Chairperson ng City Board of Canvassers, aminado ito na nagkaroon sila ng problema na hindi naman inaasahan.
“Meron tayong hindi inaasahan na pangyayari but then na-survive natin yun, yung mga pangyayari kahapon is hindi namin kagustuhan. Hindi naman natin napi-perfect yung election but then contingency may mga protocol tayo sinusunod, humingi tayo ng pasensiya in behalf of the Commission ay hindi namin kagustuhan ang [nangyari] but nairaos natin yung election ngayong taon,” ani ni Sison.
Dagdag pa nito marami rin ang nagrereklamo dahil sa paper jam ng mga balota, na kailangan ng replacement ng vote canvassing machine, na agad na tinugunan upang maresolbahan ang pagka aberya.
“’Yun nga nagawan din natin ng paraan upang maayos at yung iba natin kaguroan ay inabot sila ng madaling araw actually, hanggang ngayon nandiyan pa sila sa labas para magpa- receive ng paraphernalia at magpa-transmit,” pahayag nito.
Naging maayos naman ang naganap na halalan para kay Sison almost 80 percent ang turn-out o naging maayos ang election na kapareho din sa mga nagdaang election, at wala rin naitalang insedente sa halalan.
“So far wala naman tayong naitalang violence siguro yun lang yung mga botante mainit na ang ulo dahil sa naghihintay ng kanilang pila generally peaceful ang election,” dagdag pa nito.
Discussion about this post