Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa dalawang bahay na nasunog kagabi ganap na 7:11, Mayo 11, sa Barangay San Jose lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon sa BFP, ang sunog nangyari sa Block 8, Lot 19, La Asuncion Village, Purok Mapagmahal, Barangay San Jose kasamang romesponde sa lugar ang Rosenbauer Firetruck, Isuzu Fire Trooper Firetruck at CDRRMO Firetrucks.
Naideklara ito na fire out ganap na 8:06 kagabi, wala namang naiulat na saktan sa insidente habang inaalam naman ng BFP ang kabuuang danyos nito.
Discussion about this post