Nahuli ang isang lalaki at babae ng City Drug Enforcement Unit at ng Anti-Crime Task Force ng City Government sa kanilang buy-bust operation sa Fernandez St., Barangay Tanglaw, lungsod ng Puerto Princesa.
Nakilala ang dalawa na sina Eduardo Labadia, 36 at Erica Aying, 18.
Nakuha kay Labadia ang tatlong pakete ng shabu at isa pang nabili sa kaniya.
Ayon kay PSI Noel Manalo, nabilihan ng police asset si Labadia sa halagang P2,200 at nang kapkapan ng mga otoridad si Labadia, nakuha sa kaniyang wallet ang dalawa pang pakete ng pinaghihinalang shabu. Nakuha din sa kaniyang bulsa ang isa pang pakete at sa mesa makikita ang mga residue o tira ng mga pinanggamitan ng nasabing drug pusher.
“Katatapos lang gumamit ng mga ito. Kita naman iyung aluminom foil na may tira pa ng mga pinaggamitan. Nakabili rin iyong asset natin dito sa suspek,” saad ni PSI Noel Manalo.
Noong Setyembre, kakalaya lamang nito dahil na rin sa parehong kaso.
“Kalalaya lang din nito, drugs din. Pero na-acquit siya, tapos ito na naman ang gawin niya. Talagang ayaw magbago,” saad ni Manalo.
Ayon naman sa suspek pangkain o pang gamit lang umano niya ang ginagawa nito at hindi raw siya nagtutulak ng droga.
Subalit habang nag-iimbintaryo ang mga pulisya, may mga text messages sa cellphone ng nasabing suspek na may mga bibili sa kaniya at isa raw itong patunay na si Labadia ay tulak ng bawal ng gamot.
“Hindi na po ako nagbebenta niyan. Panggamit gamit ko lang po iyan. Pero minsan nalang din ako gumagamit pag-trip ko lang,” depensa ni Labadia.
Ayon sa mga otoridad, sasampahan naman ng kasong paglabag sa Sec. 5 and 11 ng RA 9165 si Labadia.
Discussion about this post