Dalawandaan at dalawampu’t limang (125) batang may edad anim (6) hanggang labinlimang (15) taon ang lumahok sa Iron Kids Race noong Nobyembre 11 sa Ramon V. Mitra, Jr. Sports Complex sa Balayong People’s Park sa Puerto Princesa. Kasapi sa Tri-Clubs mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ang mga batang atleta.
Ang kompetisyon ay nag-umpisa sa swimming pool area, kung saan hinati ang mga kalahok ayon sa kanilang age bracket para sa 100 metro na paglangoy. Pagkatapos nito, nagtungo sila sa track oval upang tapusin ang 1.5 kilometers na takbuhan.
Sa isang press conference sa Princesa Garden Resorts and Hotel noong Nobyembre 10, ipinagmamalaki ni Ms. Princess Galura, Regional Director ng Ironman Group Philippines, ang matagumpay na pagbabalik ng Ironkids mula noong 2010, kahit na naantala ito ng halos dalawang taon dahil sa pandemya dala ng Covid-19. Binanggit din niya na ang Ironkids ay isang stepping stone para sa mga nagiging kalahok sa Ironman 70.3 series.
Dahil sa mga bagong partners tulad ng Ironman Group Philippines at Robinsons Land Corporation; RLC Residences, na kinatawan ni Ms. Karen Cesario, Senior Director, Marketing Head, at Chief Integration Officer ng RLC Residences, mas naging malawak ang sakop ng Ironkids.
Ang malinis na karagatan, maayos na track oval, at mabilis na transaksiyon sa lokal na pamahalaan ang ilan sa mga rason kung bakit napili ang Puerto Princesa bilang venue ng international sports event na ito. Umaasa ang lokal na pamahalaan at ang Ironman sa patuloy na tagumpay ng malaking sports event na ito sa Puerto Princesa, at mayroong pag-asa na madadagdagan pa ang mga kategorya sa susunod na taon.
Discussion about this post