ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Feature

Feature: “Siyamnapung Pangarap sa Maruso”

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
June 10, 2025
in Feature
Reading Time: 5 mins read
A A
0
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Maagang gumigising ang mga batang katutubo sa Barangay Candawaga. Bago sumikat ang araw, bitbit na nila ang kanilang lumang bag, may ilan pa’y nakayapak, handang harapin ang mahabang lakad—isa hanggang dalawang oras mula sa kanilang tahanan patungo sa paaralan. Sa likod ng bawat hakbang nila sa maputik at masukal na daan ay isang matibay na paninindigan: ang makapag-aral.

Sa Maruso Elementary School, isang simpleng paaralang gawa sa kawayan at pawid, matatagpuan ang halos 90 mag-aaral—mga batang nangangarap ng mas magandang kinabukasan. Dito, hindi lang karunungan ang hinahanap nila kundi pagkain din. Ayon kay teacher Chari Mae Bombales, isa sa apat na gurong naka-assign sa Maruso, araw-araw silang nagsasagawa ng feeding program.

RelatedPosts

Pasinggatan Festival 2026 makes history as the biggest municipal festival in Palawan

Fueling survival in the last frontier

PalSU unveils P5-M petroleum research lab; first in PH to tackle drilling tech

“Marami po sa kanila ay walang almusal. Madalas, dito sila sa paaralan kumakain ng agahan, at kung minsan, tanging pagkain sa buong araw.”
Nadurog ang puso ko ng marinig ko ito mula kay Ma’am Charie. Siya ang nakatutok sa mga mag-aaral ng Kindergarten hanggang Grade 2.

Ang kanilang mga upuan ay luma at gawa sa kahoy. Napansin kong kulang rin ang mga upuan para sa siyamnapung mag aaral kay hindi ko napigilang tanungin ito.

“Maam parang kulang po kayo sa upuan para sa mga bata?”

“Opo maam. Karamihan po ay pinapaupo nalang sa plastic chairs na walang desk. Tapos kadalasan itong desk chairs nagshi-share sila sa desk para makapagsulat.”

Ang sahig lamang ang tanging nasemento. Wala silang ceiling fan, at ang ilaw ay natural na liwanag mula sa araw na pumapasok sa siwang ng mga pader. Kapag umuulan, basa ang gilid ng silid-aralan; nagsisiksikan sila sa isang sulok na may takip.

Ngunit kahit ganito, hindi matatawaran ang sigasig at kasabikan ng mga batang ito na matuto. Ang ingay ng kanilang tawa—kahit gutom at pagod—ay patunay na sa kabila ng kakulangan, puno pa rin ng pag-asa ang kanilang mga puso.

Higit isang oras ang nilakbay ko mula sa kabisera ng Punta Baja patungo sa Maruso. Sa gitna ng alikabok, lubak-lubak na daan, at tanawing tila hindi inaabot ng progreso, hindi ko naiwasang magnilay. Sa mga lugar na gaya nito, isa sa mga una kong napansin ay ang mga nakapaskil na tarpaulin ng mga politiko noong nagdaang eleksyon.

Kung nakarating dito ang mukha nila—may ngiti, may pangako, may pangalan, makakarating din ang mga serbisyong dapat nilang dalhin, at makakatawid ito maging sa bundok. Minsan kailangan lang ng patunay, o ng tulay na magdudugtong nito para sa kamalayan ng mas nakakarami.

Habang papalapit kami sa kabundukan, hindi ko maiwasang balikan ang sarili kong karanasan bilang estudyante. Napakalayo ng mundong ito sa kinalakihan kong paaralan—may sariling desk, maayos na kisame, sapat na aklat, at sapatos na hindi kailangang tapalan.

Hindi ko kailanman kinailangang maglakad ng ilang oras, o pumasok kahit walang laman ang tiyan. Noon, hindi ko iyon iniisip bilang biyaya. Pero ngayon, malinaw na malinaw sa akin: napakapalad ko.

At higit sa lahat, pinagpala tayo ng Diyos. Hindi dahil mas mahal Niya tayo, kundi dahil siguro gusto Niyang gamitin tayo upang makatulong sa mga batang ito.

Ipinagkaloob Niya sa atin ang buhay na hindi kailangan ng ganitong uri ng sakripisyo noong tayo’y nag-aaral, at sa ganitong pagkakataon, marahil ay hinahamon Niya tayong gamitin ang sobrang iyon—oras, pera, lakas, malasakit—para ibahagi sa mga mas nangangailangan.

Ang mga batang katutubo ng Maruso ay lumalakad ng maraming kilometro araw-araw para lang makapasok at makakain. Ang mga tsinelas raw nila ay halos butas na, minsan wala pa. Ang mga silid-aralan na napag-isip kong higit pa sa pagiging payak—kundi ito’y pagtitiis, pag-asa, at sakripisyo na isinasabuhay ng mga mag-aaral at guro sa araw-araw.

Bilang isang nakapunta at personal na nasaksihan ang kanilang sitwasyon, hindi ko na kayang hindi magsalita. Hindi ko rin ito kayang balewalain.

Kaya sa panahong ito ng pagbabalik-eskwela at sa nalalapit na tag-ulan, ako po ay kumakatok sa inyong puso.

Ang Maruso Elementary School ay nangangailangan ng:
• Bigas at de-lata para sa feeding program ng mga batang gutom
•Tsinelas at sapatos para sa mga paang araw-araw ay dumadaan sa matatarik at maputik na daan
•Gamot, first aid kits, at simpleng pang-unang lunas
•School supplies tulad ng lapis, papel, kwaderno, backpack

•Raincoat at payong, upang sa kabila ng ulan ay makapasok pa rin sila sa eskuwela

Alam kong maraming suliranin ang ating bayan. Pero kung meron kang konting sobra—kahit isang pares ng tsinelas, isang pack ng lapis, o isang kilong bigas—napakalaking bagay na po niyan sa mga batang ito. Sa kanila, ang mga ito ay maaaring maging dahilan para hindi na nila kailangang pumili sa pagitan ng pagkain at pag-aaral.

Ako ay babalik dito, umaasang makakapaghatid ng pag-asang mas marami pa ang tutugon. Dahil sa mata ng batang sabik matuto, ang maliit mong ambag ay isang hakbang papalapit sa kanyang pangarap.

Dahil naniniwala ako na ang pangarap ay hindi natatapos sa dingding ng isang silid-aralan o sa pahina ng isang luma at lukot na kwaderno. Ang pangarap ay nananahan sa puso ng bawat batang piniling maglakad ng isang oras sa ulan, mag-aral kahit walang ilaw, at ngumiti kahit wala nang laman ang baon. Ang pangarap nila ay hindi marangya—kundi marangal. Simpleng hangarin na balang araw, sila naman ang tutulong.

Kaya sana, sa panahong ito na tayo ang may kakayahang umalalay, piliin nating maging bahagi ng pag-abot nila sa bituin. Dahil kung hindi ngayon, kailan pa? At kung hindi tayo, sino pa?

Ito ang kuwento ng siyamnapung batang katutubo sa Maruso. Siyamnapung boses. Siyamnapung pangarap.
Tags: Feature
Share20Tweet12
ADVERTISEMENT
Previous Post

Mga dati nang nasangkot sa droga, muli na namang nahuli sa buy-bust sa puerto princesa

Next Post

Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

Pasinggatan Festival 2026 makes history as the biggest municipal festival in Palawan
Feature

Pasinggatan Festival 2026 makes history as the biggest municipal festival in Palawan

May 9, 2026
Fueling survival in the last frontier
Feature

Fueling survival in the last frontier

April 10, 2026
PalSU unveils P5-M petroleum research lab; first in PH to tackle drilling tech
City News

PalSU unveils P5-M petroleum research lab; first in PH to tackle drilling tech

March 27, 2026
Mega Gloryoung International (MGI) to launch eyewear products on March 10 in Puerto Princesa
Business

Mega Gloryoung International (MGI) to launch eyewear products on March 10 in Puerto Princesa

March 6, 2026
Maica Jeorge Rebusquillo, proud na ni-represent ang Palawan sa Tawag ng Tanghalan
Feature

Maica Jeorge Rebusquillo, proud na ni-represent ang Palawan sa Tawag ng Tanghalan

February 20, 2026
El Nido reminds tourists’ adherence to dress code in town areas following elders’ request
Feature

Boracay, Palawan, and Siargao among Asia’s Top Islands

October 18, 2025
Next Post
Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Narra breaks ground on p52-million slaughterhouse

Latest News

Seaside Cebu Arena to open this June 2026

Seaside Cebu Arena to open this June 2026

May 15, 2026
PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

May 15, 2026
WPU strengthen ties with BFAR

WPU strengthen ties with BFAR

May 15, 2026
Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

May 15, 2026
DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza

DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza

May 15, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15261 shares
    Share 6104 Tweet 3815
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11719 shares
    Share 4688 Tweet 2930
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10301 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10116 shares
    Share 4046 Tweet 2529
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9749 shares
    Share 3899 Tweet 2437
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing