Binisita ni Palawan Governor Amy Roa Alvarez si Puerto Princesa City Mayor Lucilo Rodriguez Bayron para sa isang courtesy call ngayong araw ng Martes, Hulyo 8, 2025, sa New Green City Hall Building.
Layunin ng kanilang pagkikita ang pagtutulungan at pag-uugnay ng mga plano ng pamahalaang panlalawigan at panlungsod upang higit pang mapaunlad ang Puerto Princesa at ang buong lalawigan ng Palawan.
Ang pagdalaw ni Governor Alvarez ay itinuturing na senyales ng mas pinatibay na ugnayan sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at ng lungsod ng Puerto Princesa.














