Isang araw na isinagawa at magkaagapay na naidaos sa inisyatibo ng Pamahalaang Panglalawigan ng Palawan at ng Pilipinas Shell Foundation, Incorporated ang isang araw na oryentasyon para sa mga pinunong lokal ng mga abyan sa lalawigan ng Palawan.
Ang gawain ay naging reyalidad sa pamamagitan din nng nmga topikong inihanda ng mga kinauukulan mula sa Department of Health, UNAIDS, To Love Yourself o TLY, Save the Children at PNGOC.
Si Narra Mayor Lucena D. Demaala, bilang Pangulo ng League of Municipal Mayors of Palawan, at kani- kanilang mga piling empleyado ang siyang nanguna sa mga naging partisipante sa Orientation Seminar.
Sa aktibidad, ipinaliwanag dito ang memorandum mula sa Department of Interior and Local Government na nagbibigay ng kaatasan sa mga Local Chief Executive ng mga bayan sa bansa, kasama na ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan na palakasin at magpatupad ng mga istratehiya upang masagkaan ang paglaganp ng HIV/AIDS sa kanilang mga lokalidad.
Isa rin sa ipinaliwanag ay ang nilalaman ng Memorandum Circular mula sa Civil Service Commission para sa Guidelines in the implementation of Workplace Policy and Education Program on HIV and AIDS.
Inaasahang sa nabanggit na oryentasyon, mayroong karampatang inisyatibong angkop sa mga bayan ang ipatutupoad ng mga lokal na pamahalaan upang masagkaan ang paglaganap ng HIV/AIDS sa lugar.
Discussion about this post