Pinangunahan ng Mine Safety and Health Department (MSHD) ng kumpanya, katuwang ang Rural Health Unit (RHU), ang 3rd Quarter Health Information, Education and Communication (IEC) Activity na ginanap sa basketball court ng nasabing barangay.
Bukod sa health education, bawat participant ay nakatanggap ng tig-5 kilo ng bigas, na umabot sa kabuuang 100 sako na ipinamahagi bilang bahagi ng community support activity. Kasabay ng pamamahagi, tinalakay nina Naura Palampisi at Loraine F. Abiog, RN ang pag-iwas sa tuberculosis (TB) at pneumonia, gayundin ang kahalagahan ng breastfeeding.
Isinagawa ang talakayan bilang bahagi ng paggunita sa Breastfeeding Month at National TB Day at National Lung Month ngayong buwan.
Sinabi ng Calmia na hangad nitong patuloy na maging kabahagi sa pagbibigay ng tamang kaalaman at suporta sa lahat ng miyembro ng komunidad, kabilang na ang mga vulnerable sector tulad ng mga PWDs.
Kahit pa wala pang commercial operations ang kumpanya, sinabi ng Calmia na magpapatuloy ang mga aktibidad nito na aagapay sa mga katuwang nitong komunidad sa bayan ng Brooke’s Point. Madadagdagan pa umano ang mga programa’t proyekto sakaling magpatuloy na ang kanilang operasyon.












