Walang kawala sa isinagawang sa drug buy-bust operation ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot mga bandang alas 11:35 kagabi, Pebrero 22, 2021, sa Purok Magkaisa, Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.
Kinilala ang mga suspek na sina Eduardo Bartolo Canino alyas Ding, 50 anyos, residente ng Barangay Sta. Monica at si Reynan Henderson Ramboyong, 31 anyos, na residente naman ng Barangay Bancao-Bancao.
Nakumpiska sa kanila ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tatlong libong piso (Php 3, 000) na buy-bust money.
Samantala, nasa kustodiya na ng PNP ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Discussion about this post