Saturday, March 6, 2021
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Wala nang kailangan pag-debatehan sa pagtatatag ng 3 probinsya sa lalawigan ng Palawan – PIO Arzaga

Angelene Low by Angelene Low
February 23, 2021
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 2min read
29 2
A A
0
Wala nang kailangan pag-debatehan sa pagtatatag ng 3 probinsya sa lalawigan ng Palawan – PIO Arzaga
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

“Wala na rin kasing isyu na pagde-debatehan.”

Ito ang naging tugon ni Palawan Provincial Information Officer Winston Arzaga nang tanungin kung dismayado ito na walang magaganap na debate sa pagitan ng Save Palawan Movement (SPM) at 3in1 Palawan.

RelatedPosts

Puerto Princesa City Government, maghihigpit sa pagpapailaw sa Acacia Tunnel

Puerto Princesa City, may pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong MIMAROPA

Puerto Princesa City IMT, tatanggap ng Saliva RT-PCR Test result

“Lahat ng isyu nila ay dinala nila sa Supreme Court [at] ano ang sabi ng Supreme Court? Walang laman ‘yung mga isyu ninyo kaya nga 15-0 yung botohan.”

Ayon pa kay Arzaga, isa sa mga palaging binabanggit ng kabilang panig ay ang  gagastusin para sa plebesito.

“Hindi nila naiintindihan ‘yan kaya nagkakagulo… ‘Yun ba ay kailangan pang pag-usapan? Ano pa? Ginagawa na isyu ng One Palawan ‘yan na sinabi ni Dominguez [na] magastos [ang gagawing eleksyon]. Eh syempre gobyerno ‘yan gumagastos para sa tao. ‘Pag yung Capitol gumagastos [ay] para sa tao ‘yan.”

Dagdag pa nito, hindi ibig sabihin nang pagkakaroon ng mas maraming politiko ay magiging talamak umano ang kurapsyon at huwag din pangunahan ang magiging desisyon ng mamamayan sa pagpili ng mga magiging lider sakaling matuluyang mahati ang lalawigan sa tatlo.

“Oh isa-isahin natin, maghalukay tayo. Ano ba ‘yung pinagsasabi nila ngayon? Sabi nila tatlong probinsya [at magre-resulta sa] tatlong korapsyon. ‘Wag nilang maliitin ang ating mga kababayan na pumili ng tamang leader para mamuno [at] hindi ‘yung hindi pa nangyayari, hindi pa nga umuupo [o nagkakaroon ng eleksyon] eh sasabihin mo nang magco-corrupt na. Anong klaseng pag-iisip ‘yan? Anong klaseng liderato tayo kung sadya nating pinabababa yung antas ng kamulatan ng ating mga botante? Very unfair ‘yan sa mga Palaweños.”

Aniya ang ginagawa ng lokal na pamahalaan ay para sa kinabukasan at hayaan nalang umano na magpasya ang mga mamamayan para sa ikabubuti ng lalawigan ng Palawan.

“Wag nilang maliitin ‘yung capacity ng ating mga kababayan na magdesisyon. Itong tatlong (3) probinsya ay hindi para sa mga leaders ngayon kundi para sa hinaharap. Ang mga leader ngayon, lahat lumalakbay, dumadaan lang [at] nawawala. [Ang] mga bagong sisibol na mga leader ang importante [dahil] dito binibigyan natin ng bagong pag-asa at oportunidad ‘yang susunod na henerasyon.”

Nang dalhin ng Save Palawan Movement ang usapin sa Korte Suprema, tatlong punto ang kanilang binanggit:

Una, walang naging maayos na konsultasyon sa pagsasabatas ng paghahati ng Palawan sa tatlong probinsiya. Hindi ito kinatigan ng Korte Suprema dahil kinonsulta umano ang mga alkalde at mga konsehal ng mga munisipyo at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Ikalawa, hindi isinama ang mga mamamayan ng Puerto Princesa para bumoto sa plebisito. Ayon sa Korte Suprema, nakasaad sa konstitusyon na ang paghahati ng probinsiya ay nasa kamay ng mga mamamayan ng mga “political units directly affected” ng plebisito. At dahil  isa nang Highly Urbanized City ang Puerto Princesa ay hindi na ito maituturing na “political unit directly affected.”

Ikatlo, nilabag ng batas para sa paghahati ng Palawan ang Konstitusyon ng Pilipinas nang baguhin nito ang hatian ng natural na yaman o national wealth sharing. Hindi ito pinagdesisyunan ng Korte Suprema dahil premature umano na pag-usapan ito dahil hindi pa naisasagawa ng plebisito.

Tags: plebisitoSave Palawan Movement (SPM)
Share24Tweet15Share6
Previous Post

Save Palawan Movement, hiling na suspendihin muli ang plebisito

Next Post

Market Day at operasyon sa Pamilihang Bayan ng Aborlan, tuloy pa rin

Angelene Low

Angelene Low

Related Posts

Puerto Princesa City Government, maghihigpit sa pagpapailaw sa Acacia Tunnel
City News

Puerto Princesa City Government, maghihigpit sa pagpapailaw sa Acacia Tunnel

March 6, 2021
Local transmission, naitala sa 5 barangay sa lungsod ng Puerto Princesa
City News

Puerto Princesa City, may pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong MIMAROPA

March 6, 2021
Puerto Princesa City IMT, tatanggap ng Saliva RT-PCR Test result
City News

Puerto Princesa City IMT, tatanggap ng Saliva RT-PCR Test result

March 4, 2021
Oil Industry Deregulation Law, dapat na bang amyendahan?
City News

Oil Industry Deregulation Law, dapat na bang amyendahan?

March 4, 2021
Mangrove rehabilitation continue in Sitio Bucana, Barangay Iwahig
City News

Mangrove rehabilitation continue in Sitio Bucana, Barangay Iwahig

March 4, 2021
Saliva Testing pormal ng inilunsad sa Palawan
City News

Saliva Testing pormal ng inilunsad sa Palawan

March 3, 2021
Next Post
Market Day at operasyon sa Pamilihang Bayan ng Aborlan, tuloy pa rin

Market Day at operasyon sa Pamilihang Bayan ng Aborlan, tuloy pa rin

ALAMIN: Palawan Task Force ELCAC at tungkulin nito sa bayan

ALAMIN: Palawan Task Force ELCAC at tungkulin nito sa bayan

Discussion about this post

Latest News

Puerto Princesa City Government, maghihigpit sa pagpapailaw sa Acacia Tunnel

Puerto Princesa City Government, maghihigpit sa pagpapailaw sa Acacia Tunnel

March 6, 2021
Local transmission, naitala sa 5 barangay sa lungsod ng Puerto Princesa

Puerto Princesa City, may pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong MIMAROPA

March 6, 2021
Halfway House para sa mga former rebel sa Palawan, malapit nang matapos

Halfway House para sa mga former rebel sa Palawan, malapit nang matapos

March 6, 2021
Dress Up Your Desk with SM Stationery

Dress Up Your Desk with SM Stationery

March 5, 2021
‘Presidential Debate System’ gagamiting paraan sa diskusyon ng ‘Yes’ at ‘No’ sa paghahati ng Palawan

‘Presidential Debate System’ gagamiting paraan sa diskusyon ng ‘Yes’ at ‘No’ sa paghahati ng Palawan

March 5, 2021

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    13075 shares
    Share 5230 Tweet 3269
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    9790 shares
    Share 3916 Tweet 2448
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    8824 shares
    Share 3529 Tweet 2206
  • JCA to Danao: Hindi ka na-elect para magbuhat ng bigas

    5800 shares
    Share 2320 Tweet 1450
  • DOH-CHD considers untested dead PUI to be COVID positive

    5041 shares
    Share 2016 Tweet 1260
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password?

Create New Account!

Fill the forms below to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In