Kasalukuyan nang naghahanda ang 400 YOC Committee sa pagdiriwang ng pagkakatatag ng lungsod ng Puerto Princesa sa ika-4 ng Marso, kasabay nang pag-aalaala sa pagdiriwang ng kauna-unahang Banal Na Misa sa ika-10 ng Marso na pinamunuan ni San Ezekiel Morenon na itinuturing na co-founder ng lungsod.
Batay sa kasaysayan, dumating ang grupo na pinangungunahan ng noo’y pari na si Padre Ezekiel Moreno sa lugar, ika-4 ng Marso 1872 at nagbigay daan sa pagkakatatag ng ngayo’y Lungsod ng Puerto Princesa.
Dumalo sa pulong sa Gusaling Panglungsod sina Obispo Socrates Mesiona mga kinatawan mula sa Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa at Taytay, Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, at Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa.
Ang mga nabanggit na aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-400 taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa Palawan.
Source: PIA Palawan
Discussion about this post