Ipinagkaloob ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group Coron sa Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) District Management Division (DMD)- Calamian ang apat (4) na uri ng pagong ─ (1) Asian Leaf Turtle (𝘊𝘺𝘤𝘭𝘦𝘮𝘺𝘴 𝘥𝘦𝘯𝘵𝘢𝘵𝘢), at tatlong (3) Southeast Asian Box Turtles (𝘊𝘶𝘰𝘳𝘢 𝘢𝘮𝘣𝘰𝘪𝘯𝘦𝘯𝘴𝘪𝘴) ─ matapos itong mailigtas sa isang rescue operation ng mga pulisya na isinagawa sa Bgy. Bintuan. Coron Palawan noong 17, ng Agosto.
Ayon sa PCSD Resolution 15-521, ang mga Southeast Asian Box turtles ay itinuturing na “Endangered Species” (maaaring mawala sa kalikasan); samantalang, ang Asian Leaf Turtle ay tinukoy bilang “Lower Risk” species (pumapalagong nauubos) sa international Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List.
Inuudyukan ng PCSDS ang publiko na lumapit sa kanila ukol sa mga usapin na may kinalaman sa mga hayop sa Palawan. Maari silang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng kanilang Wildlife Enforcement Unit (WEU) sa 09319642128 (TNT), o 09656620248 (TM). Puwede rin silang makipag-ugnayan gamit ang PCSDS Front Desk hotline numbers 0935-116-2336 (Globe/TM) at 0948-937-2200 (Smart/TNT).















Discussion about this post