Pinangunahan ni Vice Admiral Alberto Carlos PN, Commander ng Western Command (WESCOM), ang makasaysayang seremonya ng pagbubukas ng bagong gusali ng Naval Air Operating Squadron (NAOS) – West sa Puerto Princesa City noong Oktubre 3. Kasama si Commodore Juario Marayag PN, Commander ng Naval Air Wing (NAW), at iba pang mataas na opisyal ng Philippine Navy ay ipinakita at binasbasan ang gusali bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-76 anibersaryo ng NAW.
“The new NAOS-West building, a significant milestone in NAW’s history, serves as a tribute to both past and present naval aviators who have played an integral role in bringing the visionary project to life,” saad ni Commodore Marayag na nagpapasalamat kay Vice Admiral Carlos sa liderato at suporta.
Naging matagumpay ang proyektong ito sa pangunguna ni Vice Admiral Toribio Adaci Jr PN, Flag Officer in Command ng Philippine Navy na magiging tahanan ng mga miyembro ng NAW sa WESCOM joint operations area. Ang NAOS-West ay maglilingkod sa pagtatanggol ng soberanong karapatan at kalayaan, at pagpapalakas ng teritoryal na integridad sa kanlurang bahagi ng bansa.
Discussion about this post