Nakita na ang Chinese nationals na napabalitang nawawala ng kanilang mga kaanak habang sila ay nag-island hopping sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ito ay kinompirma ni Eden Nolasco, tourist receptionist ng Port Barton Tourist Assistance Center, sa panayam ng Palawan Daily News.
“Dumating po sila ng Port Barton, February 6, nag check-in sila sa Coconut Island Garden Resort, four nights silang nakapag check-in doon. Ngayon, kasama ko sila ngayon ngayong oras na to dito sila sa Port Barton Terminal at papunta sila ng El Nido ngayong 1 o’clock in the afternoon,” kwento ni Nolasco sa PDN.
Meron ding Internet at mobile signal sa nasabing resort pero hindi malaman kung bakit hindi nakapag-update ang mga turista sa kanilang mga kaanak sa China.
Dagdag ni Nolasco, dahil sa kanilang maigting na pag momonitor ng kanilang mga tourist arrivals, mabilis nilang mahanap ang mga pumapasok at lumalabas ng mga turista sa kanilang lugar.
Halos tatlong araw na hindi makontak ang mga nasabing turista at ito ang dahilan na lumapit ang kanilang pamilya doon sa China kay Tourism Attaché to China Mr. Ireneo Reyes.
Si Reyes ay nakipag-ugnayan kay City Tourism Officer Aileen Cynthia Amurao upang mahanap ang mga nasabing mga turista.
Saad ni Wei Du, 40-anyos, isa sa mga turista, “Thank you very much for all your help. Your government is very nice.”
Nagpasalamat naman ito dahil sa pagtutulungan na maipaabot sa kanilang pamilya sa China na sila ay ligtas at nasa mabuting kalagayan.
Kasama ni Wei Du sina Chunxia Yang, 35-anyos, Hua Tian, 30-anyos, Xiurong Zhang, 65-anyos at ang mga bata na sina Yunze Du at Tiffiny Du, 7 at 3 anyos.
Sa ngayon, nasa mabuting sitwasyon ang anim na turista kasama ang dalawang mga bata, at sila ay papatungo sa El Nido para ipagpatuloy ang kanilang bakasyon.
Nagpaabot din ng papasalamat si Amurao sa lahat ng tumulong para mahanap ang mga turista.
“Thank you everybody for your help through Miss Mabel and our MTOs of San Vicente and El Nido. Thank, God! We already located the whereabouts of Miss Tian Hua and her company. Reported na rin sa Philippine Embassy in China. Big hug to all who took their time to help. Blessed Sunday to all.”
Discussion about this post