Ilang linggo na lamang ang inaantay bago ang araw ng halalan sa Mayo 9, ay nagsagawa naman ng tatlong araw na aktibidad ang Commission on Elections (COMELEC) simula ngayon araw Abril 22 hanggang 24 kasama ang pamunuan ng SM Supermalls kung saan maaring masubukan ng publiko kung ano ang magiging proceso ng pag-boto.
Nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ang COMELEC at SM na may temang “Lets Vote Pinas: A Vote Counting Machine Demo & Experience” kung saan mahigit 78 na establisyimento ng SM sa buong Pilipinas ay magkakaroon ng ganitong aktibidad:
April 20 to 24, 2022 – National Capital Region (NCR)
Region 3 (Bulacar, Pampanga)
Region IV-A (Rizal,Cavite, Batangas,Laguna, Quezón)
April 22 to 24, 2022 – Other parts of Luzon Visayas and Mindanao.
Ayon kay City COMELEC Election Officer Shiela Sison, dito ay malayang masusubukan ng publiko kung papaano ang magiging proceso at ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa araw ng eleksyon.
“This is a three-day campaign regarding the Vote Counting Machine (VCM) demo kung saan ini-encourage namin yung mga botante to have the actual experience yung paggamit natin ng ating machine. Para pag dating po ng eleksyon they will know what to do na po,” ani Sison.
Dagdag pa ni Sison, siguraduhin umano ng botante na maayos ang pag marka ng bilog sa balota upang hindi magkaroon ng aberya.
“Ang advice po talaga namin is to fully shade yung circle po ng atin pong official ballot but then ang threshold naman po natin diyan is sa 25% at mababasa niya [VCM] naman. Pero advise po talaga namin is to fully shade the ballot para mababasa po ni machine.”
Samantala, inaanyayahan naman ang publiko na makilahok sa nasabing aktibidad ng COMELEC kapag mapapadaan sa mismong establisyimento upang masubukan at maging maalam bago sumapit ang araw mismo ng halalan.
Discussion about this post