Boluntaryong sumuko sa Puerto Princesa City Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Colonel Roberto M. Bucad City Director ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa ilalim ng pamumuno ng Bienvenido Valleber Command nitong Abril 21, sa Purok Pag-asa, Brgy. Langogan, Puerto Princesa City, Palawan.
Batay sa report ng PNP, kinilalang ang sumukong NPA na si Patrick Jan Recasa, alyas Ka Javier, 22 anyos, binata, magsasaka na residente sa Sitio Iraan, Purok Maligaya, Barangay Magara, Roxas, Palawan.
Ayon kay Ka Javier, siya ay narecruit nina Charity Dino alyas Ka Rise/Ka Rey at Sonny Rogelio alyas Ka Miggy/Ka Wendy noong Enero 2019 at naging aktibong miyembro ng NPA noong Marso 2020.
Ang nasabing miyembro ay sumailalim na sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Discussion about this post