Isa sa mga nagtutulak ng ilegal na droga sa lungsod ang nakatakas sa isinagawang drug buy-bust operation nitong Martes ng umaga, Disyembre 11.
Nakilala ang suspek na si Marlon Dayata, residente ng Barangay Tagburos, lungsod ng Puerto Princesa.
Nagsagawa ang mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit at ng Anti-Crime Task Force ng City Government sa pamumuno ni PSI Noel Manalo.
Base sa report, nagkasundo ang asset ng mga otoridad at suspek na magkaabotan sila ng pera at droga sa National Highway ng Barangay Tagburos.
Nang inabot ng suspek ang droga sa asset at nakuha na nito ang marked money, agad na lumusob ang mga operatiba.
Madaling nakabantay ang naturang drug pusher at agad itong pinaharurot ang kaniyang minamanehong kotse nang malamang may paparating na mga otoridad. Nagkaroon pa ng habulan hanggang makarating sa bahay ng kaniyang kapatid na si dating Kagawad Ronnie Dayata sa Barangay Sicsican.
Ayon sa dating kagawad, kinumpirma nito na pumunta nga sa kanilang bahay ang kaniyang kapatid at sinabihan nito na sumurender sa mga otoridad at naghahanap lamang umano sila ng abogado para mag assist sa kaniya.
“Hindi po natin kinukunsinti yan, ang sabi ko, kung talagang may kasalanan, dapat nyang pagdusahan iyon, basta idadaan lang tayo sa tamang proseso,” saad ni dating Kagawad Dayata.
Lumipas ang ilang oras at muling hinanap ng kapulisan si Kagawad Dayata para hanapin ang kaniyang kapatid ngunit hindi pa rin ito na-presenta. At sa pagakakatong ito, hinuli na rin ang dating kagawad at sasampahan ng kasong obstruction of justice.
Base sa mga otoridad, naniniwala sila na sinadyang tinago ng dating kagawad ng barangay ang kapatid upang hindi ito maaresto.
Mariing itinanggi ng dating kagawad ang akusasyon sa kaniya. Aniya, gusto lamang nito na maging maayos ang pag-surrender ng kaniyang kapati subalit bigla itong umalis ng walang paalam.
Bago isinigawa ang naturang drug buy-bust operation, may nahuli na ang mga otoridad na isang nangangalang Nathaniel Badilla o Blody gabi pa lang ng Lunes, Disyembre 10.
Inamin nito ang kaninyang kasalang pagtutulak ng droga at sinabi nito na kumukuha sya ng ilegal na droga kay Marlon Dayata.
Nahuli si Badilla sa harap ng Biochemist Drug Store sa Barangay Sta. Monica.
Dito napagalaman ng mga operatiba na si Dayata ang supplier ng nasabing droga.
Kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 si Dayata at sa kasalukuyang hinahanap pa rin ngayon ng mga otoridad.
Discussion about this post