Hinihiling ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa Sangguniang Panlungsod na magkaroon ng relocation ang lahat ng existing fuel depots, partikular na sa matataong lugar at mga lugar na malapit sa pinagdaraosan ng mga aktibidad, na nagbabanta ng panganib tulad ng pagsabog, tsunami at iba pa.
Sa ginanap na regular session ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ngayong araw ng Lunes, Enero 23, isinulong ni Konsehal Elgin Damasco ang isang resolusyong naglalayon na ilipat ang mga ito na may pamagat, “A resolution recommending the relocation of all existing Fuel Depots within the Central Business District of Puerto Princesa City which pose high risk and danger to human populations, economic activities, and surrounding natural resources.”
Ayon kay Damasco na siyang Chairman ng Committee on Energy, Public Utilities and Facilities, sa ngayon ay hindi pa naaprubahan ang bagong Comprehensive Land Use Plan ng City Government.
Kailangan maaprubahan muna ito bago mailipat ang mga fuel depots sa lungsod. Hindi rin umano ipiilit na palipatin ang mga fuel depots bagaman kailangan ng lumipat dahil hazardous na ang mga lugar na maraming naninirahan.
“Hindi pa naaprubahan ‘yung CLUP ng lungsod ng Puerto Princesa. Kung ipipilit natin na ipahanap ng malilipatan ‘yung fuel depots may pangamba na ‘yung malilipatan nila kung meron man baka sa susunod na panahon baka paalisin din sila. So kailangan maaprubahan muna ‘yung Comprehensive Land Use Plan ng lungsod ng Puerto Princesa,” ani Damasco.
Dagdag pa ng konsehal, sa ngayon ay wala pang lugar kung saan ililipat ang mga oil depots bukod tanging ang City Government lamang ang makakapagdesisyon o makakapagturo sa lugar na puwdeng paglipatan ng mga ito.
Aniya, hindi rin maaring paalisin ang mga ito dahil milyones ang mga nakataya sa pagpapatayo muli ng oil depots at kailangan ma-identify muna ito ng Ciity Government.
“Alanganin silang mailipat dahil milyones ang gagastusin nila sa paglilipat ng panibagong fuel depots, dapat kailangan masiguro natin na tama ang lugar na lilipatan nila,” ani Damasco.
Sinabi rin nito na ginagawa din naman ng mga fuel depots ang lahat ng bagay upang maprotektahan ang mga mamamayan kaya naman daw nagtagal ang mga ito.
Hindi rin umano agad-agad na maaprubahan ang CLUP dahil masusing pag-aaralan pa ito o mahabang proseso pa ang maaring abutin nito ayon pa rin sa konsehal.
Discussion about this post