Arestado ang isang babae sa ikinasang anti-illegal drugs buy-bust operation na isinagawa ng City Drug Enforcement Unit at ng Anti-Crime Task Force ng City Hall nitong Sabado ng gabi, ika-2 ng Pebrero, 2019 dito sa lungsod ng Puerto Princesa.
Nakilala ang suspek na si Nicole De Leon Aransado at ang kanyang kinakasama na si Vincent Ignacio Bacus, na nakatakas naman habang kinakasa ang operasyon mga 9:00 P. M. sa Purok Señiorita, Barangay Bagong Silang.
Ayon kay Sr. Insp. Noel Manalo, nakabili ng isang pakete na pinaghihinalaang shabu ang kanilang asset kay Vincent at nang makumpirma na nagkabilihan na, doon na pinasok ng mga nakaabang na pulis ang makitid na daan at agad na nahuli si Vincent.
Palabas na umano ang mga otoridad at bitbit ang suspek na si Vincent, pero bigla nalang ito tumalon sa dagat, habang suot ang posas.
Dinala naman ng mga pulisya ang kinakasama nito sa barangay hall at napag-alaman nilang sangkot din ito sa pagtutulak ng droga
Aminado naman si Nicole na alam nya ang gawain ng kanyang asawa. Pero mariin ang pagtanggi ni Nicole na kasama siya ng kanyang asawa sa pagtutulak ng droga. Hindi rin daw ito gumagamit ng bawal na gamot. Pero sa kalaunan, umamin na rin ito na kakagamit nya lang ng droga bago nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya.
Pero ganun pa man, kakasuhan pa rin si Nicole ng pulisya partikular sa paglabag sa Section 26 B o conspiracy ng Republic Act 9165.
Discussion about this post