Naging mabunga ang isinagawang pagbiyahe ni Mayor Lucilo R. Bayron sa kamaynilaan kasama ang ilang mga pinuno ng iba’t- ibang local na ahensiya ng Puerto Princesa.
Isa sa kanilang pinatunguhan ang tanggapan ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD), na siyang punong abala para sa programang Pambansang Pabahay.
Nilayon ng kanilang pagtungo ang mapabilang ang siyudad sa naturang programa na lubhang kailangan ng mga residente ng Puerto Princesa.
Iprinesinta ng grupo ng alkalde ang mga posibilidad para sa pabahay program ng Puerto Princesa at naging maganda naman ang tugon ng opisina na nagbigay ng malaking ang posibilidad na maaring mauna ang siyudad sa mga benepisyaryo.
Sa pinakahuling pabatid sa alkalde, nakatakdang dumating si Usec Atty. Avelino Tolentino III ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), para sa paglalagda ng memorandum of understanding.
Bukod dito mayroon ding paparating na opisyal para naman sa paghahanda ng mga kailangang rekisitos na dokumento.
Dulot nito binigyan ng alkalde ng kaniya-kaniyang gagawin ang ang mga kikilos at gagalaw para sa proyektong naturan.
Sa housing, kailangan ang final estimate ang nakatakdang irelocate mula sa Quito area at pinal na ang lalabas ang listahan kapag ito ay nalagdaan na ng alkalde.
Pagkatapos malagdaan, ipapasa ito sa Architectural Department para sa disensyo ng mga housing units na kakasya ang mga estimated clients sa housing program.
Kailangan ding paghandaan ang disenyo sa temporary housing para ma-accommodate ang lahat ng ililipat mula sa Quito area.
Samantalang ang bumubuo ng office of building officials at mga surveyors mula sa city engineering, bukod pa sa legal at city planning ay nakatakdang mag-aral at mag- evaluate upang maitasa kung paano ideklarang tourism estate o environmental estate ang Quito area kasama ang fishport sa siyudad.
Bukod dito, maaari ring mahabi mula sa gagawing pagtatasa na gawing special economic zone ang nabanggit na mga bahagi ng siyudad.
Sa talumpati ng alkalde sa harap ng mga empleyado ng city hall… “ang legal at city planning, pag-aralan at i-evaluate, kung ano ang pinakamaganda sa Puerto pruincesa ideclare na environemental estate o ideclare na special economic zone.”
Sakaling ito ang maging rekomendasyon kailangang maihabi na ang mga prosesong gagawin at ganap na mapagtanto kung ano ang kalalabasan sa ebalwasyon ng grupo para sa nabanggit na mga lugar na nasasakupan ng Quito area.
Ayon kay Bayron, “sakaling maging tourism Estate-Special Economic Zone ang Quito area yung mga businesses na magtatayo sa lugar, pwedeng mag-import nang walang kinakailangang tax.”
Binigyang diin pa ng alkalde na sa pamamagitan nito mas makakaengganyo sa siyudad sa maraming negosyante na mag- invest at maituturing na ito ay isang paglago ng local na ekonomiya ng Puerto Princesa.
Discussion about this post