Umakyat na sa 5 ang bilang ng mga indibidwal na binawian ng buhay sa Lungsod ng Puerto Princesa dahil sa COVID-19 base sa talaan ng Incident Management Team (IMT).
Ang unang indibidwal na nasawi dahil sa virus ay isolated case ng isang lalaki, 63 anyos at taga-Brgy. Tanabag. Ito ay nangyari noong Abril 21, 2020. Na-admit ito sa Ospital ng Palawan matapos makaramdam ng sintomas ng COVID-19 tulad ng hirap sa paghinga at mataas na lagnat. Kinalaunan naman ay pumanaw ito at agad inilibing habang nagsasagawa ng contact tracing ang IMT.
Ang 82 anyos na babae mula naman sa Brgy. San Jose ang ikalawang pumanaw dahil sa komplikasyong dulot ng COVID-19. Ito ay kinilala bilang index patient ng pagsipa ng kaso sa Brgy. San Jose.
Ang ikatlong indibidwal ay yumao lamang kamakailan. Ito ay isang babae, 25 anyos, taga Brgy. Iwahig at pansamantalang naninirahan sa Brgy. San Pedro. Isinugod umano ito sa isang pribadong ospital at inilipat sa Ospital ng Palawan matapos magpositibo sa Rapid Antigen Test at magpakita ng moderate na sintomas ng COVID-19. Siya ay nagpositibo rin sa confirmatory test at noong Abril 4 ay binawian na ito ng buhay.
Ang ika-apat at ika-limang kaso naman ay yumao noong Abril 6, 2021. Ito ay 2 lalaki. Ilang araw na rin umanong naka-ventilator ang mga ito upang matulungang huminga ngunit sa report ng IMT kahapon ay halos magkasunod lang itong yumao.
Mayroon din 1 unconfirmed na kaso ng COVID-19 na binawian ng buhay “magmamadaling araw” kahapon sa isang pribadong ospital. Dinala ito roon dahil hirap sa paghinga ngunit idineklarang dead-on-arrival. Naisailalim pa ito sa Rapid Antigen Test kung saan ito ay nagpositibo. Ang 3 close contact din nito sa tahanan ay nagpositibo rin sa Antigen Test. Ito ay hindi naidagdag sa talaan dahilan ng hindi naisailalim ito sa isang confirmatory test.
Sa kasalukuyan ay 230 na ang mga Antigen Test positive sa lungsod ng Puerto Princesa. Nasa 247 ang bilang ng mga kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19, 11 rito ang aktibong kaso, 231 recoveries t 5 binawian ng buhay.
At patuloy pa rin ang pagsasagawa ng contact tracing ng IMT sa lungsod.
Discussion about this post