Nakasaad sa City Ordinance Number 1129 na inaprobahan noong June 7, 2021, ang tricycle fare guide na hanggang P12 to P14 per kilometer lang dapat ang singil na pamasahe sa traysikel at kung ito ay isang estudyante at PWDs dapat mayroon silang discount na 20%.
Ngunit nakadepende pa rin sa pasahero kung ito ay kanyang dadagdagan ang pamasahe sa traysikel.
Nabatid na ilang pasahero na rin ang nagrereklamo sa “we R1 at your service” kaugnay sa mataas na singil sa kanila ng ilang mga traysikel driver, tulad na lamang mula sa Rizal Avenue Capitol patungong Barangay Bancao-Bancao ay naniningil ng 50 hanggang 60 pesos maging sa iba pang barangay.
Sa pagtatanong ng news team sa ilan sa mga traysikel driver, katwiran ng mga ito apektado ang kanilang paghahanap buhay, pamamasada dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng petrolyo. Hindi naman lingid sa ibang commuters ang pagtaas ng petrolyo.
Ayon kay Mr. Castillo, ang ibang pasahero ay nagbabayad ng sakto ang iba naman ay kusang nagbibigay ng subrang pamasahe na nakakaintindi sa sitwasyon nilang mga namamasada.
Samantala sa inilabas na pahayag ng “we R1 at your service,” sa pangunguna ni CIO Richard Ligad kasama ang kanyang mga tauhan ay kanilang babantayan ito dahil sa sunod-sunod na reklamong natatanggap mula sa pasahero laban sa traysikel driver.
“Ito po ang fare matrix galing sanggunian. Ito lang po dapat ang singil niyo ng pamasahe. Nais ko lang pong ipabatid sa mga trike drivers natin na dapat ay sundin natin ito. Hindi pa po ito napapalitan. Kung susubra po kayo ng singil dito ay over charging na po kayo. Maari po kayong multahan ng 1,000 first offense P2,000; 2nd offense at P3,000 sa 3rd offense. Kung ang pasahero ninyo ay kusang mag dagdag ng bayad, Wala po kayong kasalanan doon Sinasabi ko lang po ito sa inyo, dahil baka po matyambahan ninyo Ang aming mga agent na ikakalat at wag na kayong magulat Kung makita nyo pa dito ang video at may ticket pa kayo,” ayon sa Facebook post ni CIO Ligad.
Samantala, kapag nakatatlo o higit pa sa paglabag ang isang driver ay maaring makansela ang kanilang Prangkisa.
Hinikayat naman ng we R1 at your service ang may mga reklamo sa fare matrix ay maaring magtungo sa Sanggunian Panglunsod.
Discussion about this post