Batay sa kalatas ng Police Regional Office MIMAROPA bumaba sa 12.52% ang naitalang ng krimen mula pagpasok ng January hangang May 31, na mas mababa sa nakalipas na taon na nasa 14.04%.
Sa walong krimen tulad ng murder, homicide, physical injuries, rape, theft, robbery, carnapping, and motornapping, umabot sa total na 300 na insidente kumpara sa nakalipas na limang buwan ng karaang taon na 349, base sa Regional Investigation and Detective Management Division.
Bumaba naman ang kaso ng Carnapping (100%), Rape (35.25%), at Physical Injuries (16.07%).
“This significant drop in crime volume was a result of the strong partnership between our police and community. This only manifests that public support is an indispensable component in the success of community policing,” ani ni Police Brigadier General Hernia.
Samantala, mas lalo naman palalawigin ang simultaneous anti-criminality law enforcement operations (SACLEO) sa buong Mimaropa.
Discussion about this post