Simula ngayong araw, July 10 ay pinapayagan na ang mga mag-asawa, live-in partners at magkasintahan na nakatira sa iisang bahay na umangkas sa motorsiklo.
Kasunod ito ng kautusan ng Department of Interior and Local Government o DILG na inihayag ni Secretary Eduardo Año matapos aprubahan ng National Inter-Agency Task Force ang proto-type model ng motorcycle passenger barrier na ipinakita ni Bohol Governor Arthur Yap.
Ayon kay Police Colonel Sergio Vivar Jr., ang City Police Director ng Puerto Princesa, tatalima sila sa kautusan ng DILG pero kailangan ding sundin ang mga kondisyon nito.
Kabilang sa mga kondisyo aty dapat sundin ng driver at backrider ay ang pagsusuot ng helmet, face mask o face shield at dapat mayroong motorcycle passenger barrier.
“Ang inilabas ng DILG, ‘yon ang final na directive kaya ‘yon ang susundin natin. Pwede na ang ankas pero dapat may ganun [motorcycle passenger barrier] unless na emergency ang dahilan pero kung maghahatid o susundo lang sila, bawal parin ‘yon at huhulihin natin,” ani Col. Vivar.
Sa panig naman ng PNP Highway Patrol Group, sinabi ni Police Major Ariel Abanto na sila ang katuwang ng City PNP sa pagpapatupad ng nasabing kautusan ng DILG pero para sa kanyang personal na opinion, hindi ligtas ang motorcycle passenger barrier.
Gayunpaman, wala anya silang magagawa kundi ang sumunod sa batas at sa mga kautusang inilalabas ng DILG na ahensyang nakakasakop sa kapulisan.
Discussion about this post