Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Palawan Pop Idol 2023: Mga mang-aawit hinahamon sa selebrasyon ng Baragatan Festival

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
May 25, 2023
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Sa layuning palakasin ang kultura at sining ng mga taga-Palawan kasabay ng selebrasyon ng ika-121 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng kapitolyo, bukas ang pintuan ng lalawigan para sa mga mang-aawit na nais makiisa sa prestihiyosong Palawan Pop Idol 2023.

Photo credits to PIO Palawan

Share on FacebookShare on Twitter

RelatedPosts

Mga kawani ng KAAC, sumailalim sa suprise drug test

Paggamit ng plastic bag, bawal na sa mga palengke ng lungsod

PALECO, nagpabatid ng pagtaas ng singil sa kuryente

Print Friendly, PDF & Email

Sa layuning palakasin ang kultura at sining ng mga taga-Palawan kasabay ng selebrasyon ng ika-121 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng kapitolyo, bukas ang pintuan ng lalawigan para sa mga mang-aawit na nais makiisa sa prestihiyosong Palawan Pop Idol 2023.

Ang pagsali sa patimpalak na ito ay bahagi ng selebrasyon ng Baragatan Festival, isa sa mga pinakaaabangang kaganapan sa lalawigan ngayong Hunyo.

Ang Palawan Pop Idol 2023 ay magbibigay-daan sa mga mahuhusay na mang-aawit upang ipamalas ang kanilang galing at talento sa entablado.

Ang kompetisyon ay binuksan sa lahat ng mga residente ng Palawan na may hilig sa pag-awit, may edad na 18 hanggang 25-anyos mula sa iba’t-ibang dako ng Palawan.

Ang mga nagnanais na sumali sa Palawan Pop Idol 2023 ay inaasahang maghahanda ng isang kanta na magpapakita ng kanilang husay at personalidad bilang isang mang-aawit sa audition na mangyayari ngayong araw ng Sabado, Mayo 20 sa Robinsons Place Palawan (10AM-5PM).

Ang 15 mga mang-aawit na mapipili ay maglalaban sa dalawang kategorya (Fast Beat Category/ Contest Piece Category) sa darating na Elimination Rounds kung saan pipili na lamang ng tatlong kalahok ang mga hurado ng patimpalak na siyang maglalaban sa darating na Grand Finals.

Pagkatapos ng elimination, tatlong mang-aawit ang mapipiling lalahok at susuriin ng isang hukom na binubuo ng mga eksperto sa musika at tagapagtaguyod ng sining mula sa lalawigan at lalahok sa Grand Finals ng patimpalak na siya namang gaganapin sa PGP Convention Center sa Hunyo 21, 6PM.

Ang tatanghaling kampeon sa Palawan Pop Idol 2023 ay tatanggap ng P40,000 premyo, habang P30,000 naman sa 2nd placer at P20,000 naman para sa 3rd placer. Samantala, pagkakalooban rin ng P5,000 consolation prize ang mga kalahok na hindi papalarin.

Ang mga nanalo rin ay bibigyan ng pagkakataong magtanghal sa mga pangunahing kaganapan ng Baragatan Festival, na tiyak na magdadagdag ng karangalan at saya sa pagdiriwang na ito.

Sa mga nais sumubok para sa audition ngayong araw, kinakailangang magdala ng birth certificate, proof of residency / certification mula sa barangay o munisipyo, minus one na naka-mp3 format para sa audition piece at dapat na nakasuot ng casual attire.

Sa pagbubukas ng pintuan para sa mga mang-aawit ng Palawan, patuloy na nagbibigay-pugay sa likas na galing ng mga mamamayan nito ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.
Tags: Palawan Pop Idol 2023
Share3Tweet2
Previous Post

Estudyante ng PSU, top 9 sa buong bansa sa LET exam

Next Post

1st SPS Summer Volleyball Tournament crowns champions

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

Sumailalim sa isang surprise drug test noong Mayo 25, ang tatlumpu’t-walong (38) kawani ng Kilos Agad Action Center (KAAC) na pinamumunuan ni John Andrew Russell.
City News

Mga kawani ng KAAC, sumailalim sa suprise drug test

May 27, 2023
Paggamit ng plastic bag, bawal na sa mga palengke ng lungsod
City News

Paggamit ng plastic bag, bawal na sa mga palengke ng lungsod

May 27, 2023
Patuloy ang paulit-ulit na brownout sa iba't-ibang parte ng Palawan sa gitna ng tag-init dahil sa umano'y technical na problema na kinahaharap ng pamunuan ng Palawan Electric Cooperative o PALECO.
City News

PALECO, nagpabatid ng pagtaas ng singil sa kuryente

May 27, 2023
Proyektong pambansang pabahay ng lungsod ng Puerto Princesa, pinagkaka-interesahan na ng developers
City News

Proyektong pambansang pabahay ng lungsod ng Puerto Princesa, pinagkaka-interesahan na ng developers

May 27, 2023
In the city of Puerto Princesa in Palawan, Philippines, women waste pickers take the lead in addressing marine plastic pollution. Thanks to the private sector-led Project Eco-Kolek.
City News

Women waste pickers take lead in addressing Puerto Princesa’s plastic problem

May 23, 2023
Pintuang gawa sa ipil, nasabat ng PNP checkpoint sa Inagawan-Sub
City News

Pintuang gawa sa ipil, nasabat ng PNP checkpoint sa Inagawan-Sub

May 19, 2023
Next Post
In a thrilling showcase of athleticism and teamwork, the 1st SPS Summer Volleyball Tournament concluded with an exhilarating grand finale, leaving the audience and participants on the edge of their seats.

1st SPS Summer Volleyball Tournament crowns champions

Lima, patay sa banggaan ng topdown at motorsiklo sa Brooke’s Point

Lima, patay sa banggaan ng topdown at motorsiklo sa Brooke's Point

Discussion about this post

Latest News

Palawan’s Baragatan Festival 2023 set to dazzle with Saraotan Sa Dalan Street Dancing Competition

Palawan’s Baragatan Festival 2023 set to dazzle with Saraotan Sa Dalan Street Dancing Competition

May 29, 2023
Provincial PESO launches SRA for domestic helpers in Saudi Arabia, Qatar, and Singapore

Provincial PESO launches SRA for domestic helpers in Saudi Arabia, Qatar, and Singapore

May 29, 2023
Lalaki, natagpuang patay sa Brooke’s Point, Palawan

Lalaki, natagpuang patay sa Brooke’s Point, Palawan

May 29, 2023
Mga sasakyang pandagat, hindi muna pinapayagan maglayag dulot ng Typhoon Betty

Mga sasakyang pandagat, hindi muna pinapayagan maglayag dulot ng Typhoon Betty

May 29, 2023
Mga illegal lumber, kumpiskado sa Taytay, Palawan

Mga illegal lumber, kumpiskado sa Taytay, Palawan

May 29, 2023

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    14476 shares
    Share 5790 Tweet 3619
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10173 shares
    Share 4069 Tweet 2543
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9483 shares
    Share 3793 Tweet 2371
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    9086 shares
    Share 3634 Tweet 2272
  • JCA to Danao: Hindi ka na-elect para magbuhat ng bigas

    6273 shares
    Share 2509 Tweet 1568
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing