Nananawagan ngayon ang Palawan Skateboarding Association (PSA) sa Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa na tuparin na ang pangakong pagbibigay sa kanila ng bagong site ng Skate Park.
“City government, sana magtuloy-tuloy na ang pangako n’yo. Marami kaming naghihintay dito,” ang caption ni Carlos Iligan Lopez, isa sa mga pioneer sa skateboarding sa lungsod, sa kanyang social media post kamakailan.
Kasama sa post ni Lopez ang blueprint para sa proposed Skate Park sa Balayong Park, malapit sa proposed Children’s Park and Playground, proposed Cultural Museum and Library, at proposed Outdoor Amphitheater.
Taong 2018 nang personal namang ipresenta ng noo’ y presidente ng PSA na si Palaweño eco-artist JC Enon kay Mayor Lucilo Bayron ang ukol sa pagkakaroon ng bagong site ng mga skateboarders sa lungsod.
Sa ngayon ay wala pang naging tugon ang City Government ukol sa muling pagkalampag ng grupo sa pangako ng siyudad.
Discussion about this post