Advertisement
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
ADVERTISEMENT
Home City News

Panukalang pagbabalik ng dating pasahe sa traysikel, ikinatuwa ng mga commuter, driver

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
January 15, 2021
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 5 mins read
A A
0
Panukalang pagbabalik ng dating pasahe sa traysikel, ikinatuwa ng mga commuter, driver

Mga nakahilirang traysikel sa Palengke

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Marami ang natuwa sa balitang ibabalik na ang dating minimum na pamasahe sa tricycle sa Puerto Princesa.

Ayon sa negosyanteng si Jovita Magbanua na 20 taon na ring naninirahan sa Brgy. Tiniguiban, labis siyang natutuwa sa nasabing hakbang dahi malaking tulong ito sa gaya niyang sumasakay ng traysikel kapag namimili ng kanyang mga paninda at mga lulutuin para sa kanyang maliit na karinderia.

RelatedPosts

PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

DA grants P4.6 Million goat multiplier farm for Puerto Princesa

Ferry passenger flags P85 price for Milo sachet on 2GO vessel, raises concerns on onboard pricing

“Makatutulong ‘yon sa amin kasi masyadong mataas ‘yong pamasahe [sa ngayon], tsaka di namin ‘yon tinutubo kaagad-agad. At sa P20 na pamasahe, papunta pa lang ‘yan ng palengke, pagbalik namin dito sa amin, kapag may karton kaming dala, P40 [na] ang singil ng traysikel. Gaano ba kabigat ‘yon? Mabigat ‘yon na di namin matubo-tubo agad ‘yon,” dagdag pa ng ginang.

ADVERTISEMENT

Kasabay naman ng pagbabalik ng dating pasahe sa traysikel ay ang pagpayag din na maibalik ang dating bilang ng pasahero. Para kay Jovita, hindi naman ito nakatatakot basta’t sundin lamang ang mga ipinatutupad na health protocol.

“Hindi naman [ako natatakot]….Parang ang sakit naman, nasa pag-iingat lang ‘yan. Kasi [di] porque, dumikit ka roon [sa ibang mga tao], mahahawaan ka na [kung positibo sila sa COVID-19]. Siguro, titingnan lang ng [mga drayber kung ang sasakay ay] may sakit. Ang mga may sakit naman, dapat hindi lumabas [ng bahay nila] di ba!”

Mahalaga din daw na magsuot ng face mask at face shield kapag sasakay sa pampublikong sasakyan.

“Kasi kung wala, pwede rin talagang mahawaan ka sa pagsasalitalang ng isang tao kaagad. Ibig sabihin, ‘yong droplets niya, pwedeng mapunta sa’yo, pero kung may facemask ka, safe ka,” aniya.

Sinusuportahan din ng isa pang residente ng Brgy. Tiniguiban ang hakbang na pinag-uusapan sa ngayon sa City Council.

“Sang-ayon po ako sa panukalang iyan na ipatutupad [ng Konseho]. 100% po akong sumasang-ayon [diyan],” ayon kay Evelyn Doropan na nagmamay-ari ng boarding house sa nasabing barangay. Kasabay naman nito ay ang pakiusap niya sa mga kinauukulan na ibalik na rin ang ruta ng mga traysikel na pinapayagan silang dumaan sa mga national highway na matatandaang ipinagbawal ng DILG.

Good news din ito para sa isang miyembro ng Pantalan-Suburbs Tricycles Operators and Drivers’ Association (PASTOSA) ng Brgy. Sta. Lourdes na hindi na nagpabanggit pa ng kanyang pangalan.

“Pabor na pabor ako ro’n,” aniya.

“Mahirap ang gasolina sa ngayon, taas nang taas. Mahigit P60 na ang isang litro, saan namin kukunin ‘yon?” komento pa ng ginoo.

Noon umanong normal pa ang sitwasyon ay kaya niyang kumita ng P700 hanggang P800 sa isang araw na ipinambibili niyang tatlong kilong bigas, isang kilong ulam, pambaon ng mga bata, at sa konsumo nila sa kanilang bahay ngunit sa ngayon, hirap na umano siyang kumita ng P300 hanggang P400 at may tatlo pa siyang anak na nag-aaral sa elementarya, highschool at kolehiyo. Idagdag pa rito ang mahal na presyo ng gasolina at maging ng isda na sinabayan pa ng pagbabayd nila sa hulugang lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay.

“Tiyaga-tiyaga lang talaga. Tipid, tipid. kamahal-mahal pa naman ng isda ngayon, nasa mahigit P200 [ang isang kilo]. Bibili kami ng isang kilo, dalawa, tatlong araw namin kinukonsumo ‘yan; tinitipid namin–ginugulayan, piniprito, lagyan ng kunting gulay, sinasabawan para dumami, para ang mga bata makakain. Matiis mo bang di makakain ang mga anak mo? Ako di bale nang di makakain, [pero] ang mga bata, ‘yon ang mahirap,” aniya.

“Kahit dalawa kaming kumakayod, hirap na hirap [pa rin kami],” aniya.

Lubos ding natuwa sa proposed ordinance ang isang miyembro ng UNITOP Mall TODA na si Wellie Gonzales na residente naman ng Sta. Monica.

“Sa amin po kasi diyan, wala naman kaming magagawa. Susunod lang kami kung ano ang iuutos ng City Council—kung sasabihin nila na isa-isa lang [ang pwedeng isakay] at bente-bente [pesos ang pamasahe] o kung babalik kami sa P10 at magsasakay kami ng apat, wala po kaming magagawa kundi susunod lang po kami,” aniya.

MAS MAGANDA BA ANG DATI?
“Mas maganda pa rin talaga ang P10 kaysa sa P20 na isa-isa lang. Kasi, for example po, kapag P10, ‘pag ka galing kami, halimbawa ng Sta. monica bago kami makarating dito, at least, minsan, kapag sinuwerte may P100 ka na bago ka makararating ng bayan. Eh, sa ngayon, makasakay ka [ng pasahero] ng isa o dalawa, ‘yon na lang ‘yon hanggang dito na lang sa bayan,” kwento pa niya nang tanungin kung higit bang maganda ang dating rate ng pamasahe kumpara ngayon.

DI TAKOT SA DIKIT-DIKIT NA PASAHERO?
Nang tanungin naman kung hindi ba sila natatakot sa dikit-dikit na pasahero ay sinabi niyang hindi na nila ito iniisip pa.
“Sa ngayon, wala na akong kinatatakutang pandemic. Mas nakatatakot ‘yong gutom, wala kang maipakain sa pamilya mo—‘yon ang mas masakit,” aniya.

Pagdating naman sa paglalagay ng barrier, aniya, nakadepende na ito kung ano ang ipag-uutos ng Pamahalaang Panlungsod at nakahanda naman silang sumunod.

KITA MULA LOCKDOWN HANGGANG NGAYON?
Sa katanungan naman kung kumusta sila nang magsimula ang pandemya, ay binanggit nilang “Paiyakan, [talaga], pasipagan talaga. Actually, ‘yong kumikita lang talaga rito ay halos ang mga gasolinahan at ang mga may-ari ng traysikel.”

Sa boundary sa ginamit tricycle o kung hindi sariling pag-aari ang tricyle, binanggit niyang ang ibang nakauunawa ay binibigay lamang sa kanila na P150 o P200 lamang.

Ani Gonzales, nang magsimula siya noong bago ang pandemic ay naging maganda ang kita kaya umano siya naengganyong mamasada ngunit sa ngayon umano, kada araw ay tamang pagkain, ulam, boundary, naitatabing kunting halaga na lamang.

Aniya, mula 7 am o 8 am ay nasa kalsada na siya habang noon umanong wala pang pandemic, 7am siya lumalabas at 3 pm o 4pm ay nasa bahay na siya.

“Ngayon, kung hindi ka nagpagabi, wala kang maitatabi talaga; tamang-tama lang,” aniya.

Ayon naman kay Ferdinand Capia, tricycle driver at owner ng minamaneho niyang traysikel at miyembro ng Irawan-Sicsican TODA (ISTODA), sa loob ng halos 12 taon ay noong 2020 at ngayon lamang niya naranasan ang hirap sa pasada sanhi ng pandemic.

“Okey [po ‘yon], makababawi na kami sa ganoong sitwasyon kasi nga, ngayon, [kapag nagpasakay kami ng] dalawa, tatlo [pasahero], lalabag na kami kaya ang kita namin, gano’n pa rin, mababa kung ikukumpara sa apat na mayroon na kaming barrier,” ani Capia.

“Maganda po ‘yong panukala ni Kgd. Jimbo Maristela. Salamat din po na ipinaglalaban niya ang ganoon para sa aming mga [tricycle] drivers para makabawi naman kami kasi, tumataas po ang gasolina [pero] ang kita namin, wala po eh kasi paikot-ikot kami, ang layo ng iniikutan namin [dahil bawal kami sa national highways,” ani Capia.

Kaugnay sa mahal na ring presyo ng gasolina sa ngayon, noong dati umano noong hindi pa sila pinagbabawalang dumaan sa Rizal Avenue ay nasa P200 lamang ang gastos nila sa gasoline ngunit sa ngayon ay nasa P300 hanggang P350 na ito. “Ang laki ng idinagdag namin [na pambili ng gasolina]—bawas pa ‘yon sa kita namin kasi nga dahil ang layo ng iikutan namin; imbes na sana kita na namin ang dagdag na ‘yon,” wika pa niya.

Umaasa siyang maaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod ang nasabing panukala upang makabawi na umano sila sa mga susunod an araw.

“Ito renew-han na naman [ng Mayor’s Permit] ngayong February, gastusan na naman,” himutok pa niya.

Nang tanungin naman ang kita, binanggit niyang sa kasalukuyan ay bumaba na lalo pa’t balik-normal na rin ang pasada o tapos na ang holiday season kaya kumunti na rin ang mga pasahero.

“Dati nakaka-P800 o P900 [ako]. Pero noong December, maraming pasahero, nakaka-P1000 pero ngayong January, balik-normal uli, nakaka-P700 na lang, wala pa ang gasoline; doon pa namin kukunin ang pagkain namin,” aniya.

AYAW SA PANUKALA NI MARISTELA
Samantala, ayon naman sa pitong taon nang nagpapasada ng traysikel na si Jason Myer na mula sa Brgy. Tiniguiban, kung ang iba ay pabor sa pagbabalik ng dami ng bilang pasahero, siya umano ay ayaw dito.

“Hindi ako payag do’n; gusto ko isa pa rin ang pasahero. Hirap nga magpasakay ng apat; halos wala ngang pasahero!” Aniya.
“Mas maganda ‘yong isang lang iwas din sa ano ba [sa COVID-19]. Siyempre, dikit-dikit na kayo niyan, di mo alam saan-saan galing ang mga tao [na ‘yon],” pag-aalaala niya.

Sa ngayon umano ay wala namang problema ang kita niya mula sa pamamasada

Tags: minimum farepuerto princesatricycle
Share90Tweet56
ADVERTISEMENT
Previous Post

Pagtaas ng tubig dagat sa Brooke’s Point, normal na mangyari– Mayor Feliciano

Next Post

An enlightenment with Agnes Socrates of Washington DC, isang taal na Palaweno

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding
City News

PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

November 21, 2025
DA grants P4.6 Million goat multiplier farm for Puerto Princesa
Agriculture

DA grants P4.6 Million goat multiplier farm for Puerto Princesa

November 19, 2025
Ferry passenger flags P85 price for Milo sachet on 2GO vessel, raises concerns on onboard pricing
City News

Ferry passenger flags P85 price for Milo sachet on 2GO vessel, raises concerns on onboard pricing

November 19, 2025
Baby Macaque dead on Puerto Princesa road; wildlife feeding seen as cause of risky behavior
City News

Baby Macaque dead on Puerto Princesa road; wildlife feeding seen as cause of risky behavior

November 19, 2025
Puerto Princesa strengthens marine plastic reduction efforts with foreign partners
City News

Puerto Princesa strengthens marine plastic reduction efforts with foreign partners

October 26, 2025
Puerto Princesa prepares for 8th International Bird Photography Race
City News

Puerto Princesa prepares for 8th International Bird Photography Race

October 26, 2025
Next Post
An enlightenment with Agnes Socrates of Washington DC, isang taal na Palaweno

An enlightenment with Agnes Socrates of Washington DC, isang taal na Palaweno

20 pesos na minimum na pamasahe, sinasamantala ng mga tricycle driver sa Puerto Princesa– Lusoc

20 pesos na minimum na pamasahe, sinasamantala ng mga tricycle driver sa Puerto Princesa– Lusoc

Discussion about this post

Latest News

Barangay Maningning earns back-to-back honor at Puerto Princesa City Tandikan Awards 2025

Barangay Maningning earns back-to-back honor at Puerto Princesa City Tandikan Awards 2025

December 19, 2025
Search for longest-running aviation mystery, MH370, to continue this December

Search for longest-running aviation mystery, MH370, to continue this December

December 6, 2025
CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

November 26, 2025
NOTICE OF PUBLIC HEARING

NOTICE OF PUBLIC HEARING

November 26, 2025
PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

November 21, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15218 shares
    Share 6087 Tweet 3805
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11612 shares
    Share 4645 Tweet 2903
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10296 shares
    Share 4118 Tweet 2574
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9822 shares
    Share 3929 Tweet 2456
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9721 shares
    Share 3888 Tweet 2430
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing