Nagsagawa ng Joint Greyhound Operation sa City Jail Male at Female Dormitory ang PDEA Palawan Provincial sa pangunguna ni Intelligence Agent V (IA) Jeremy Carl L. Junio kasama ang BJMP – City Jail ng Puerto Princesa sa pangunguna ni SJO2 Joel R. Calvelo noong Oktubre 6.
Pinangunahan naman ng mga K9 handlers at Narcotic Detection Dogs (NDDs) ng PDEA Palawan Airport at Seaport Interdiction Units ang paggalugad sa mga selda ng mga bilanggo. Layon nang nasabing operasyon na mapigilan ang pagpasok ng mg ilegal na droga at kontrabando sa loob ng pasilidad.
Ang Operation Greyhound ay batay sa Manual of Operations sa pagpapatupad ng paghahanap at pag-aari ng mapanganib na droga; controlled precursors and essential chemicals; at drug paraphernalia sa mga bilangguan.
Discussion about this post