Tataas na ang makukuhang social pension ng mga senior citizen mula sa City Goverment ng Puerto Princesa sa susunod na taon.
Ito ay matapos na maaprobahan na sa Sangguniang Panlungsod ang City Ordinance Number 35-2019 na siyang nag-amyenda sa section 4 ng City Ordinance Number 994 o “An Ordinance Institutionalizing the Grant of Financial Assistance to Senior Citizens of Puerto Princesa City and allocating funds thereof” na inakda ng buong miyembro ng 16th City council.
Batay sa ordinansa, ang dating P1000 na social pension kada kwarter ng taon ay magiging P1500 na o kabuuang P6000 kada taon.
Ayon kay City Councilor Elgin Robert Damasco na siyang nangunang maisulong ang ordinansa, malaking tulong ito sa mga senior citizen lalo na sa kanilang gastusin sa kanilang mga gamot.
Lubos-lubos naman ang pasasalamat ng mga senior citizen na nakausap ng Palawan Daily News dahil makakatulong ito sa kanila lalo na’t wala naman silang trabaho.
Discussion about this post