Sapat umano ang ‘autoclave’ o makina na gagamitin ng Puerto Princesa City COVID-19 Vaccination Council (PPC-COVAC) para linisin ang mga medical waste na gagamitin sa nalalapit na pagbabakuna kontra sa COVID-19 dito sa lungsod.
“Pagna- autoclave po siya, regular waste na po sya. Ang autoclave, yun po ay maliit na tangke, parang oven, may kuryente, super init siya so lahat ng pinasok mo doon paglabas non patay lahat, hindi naman abo. Kung may bacteria man doon wala na po yun (bacteria), patay po siya kahit na i-dispose sya regularly o parang regular waste wala na po sya,”
“Meron na po kami sa City Health (autoclave). Sa mga satellite meron po kami non, tapos mayroon pa [na] padating. Ewan ko kung dumating ngayong araw. Yung sa mga satellite maliliit lang usually ginagamit konti-konti lang naman ang niluluto doon. Siguro mga 7 sa mga satellite, tapos I’m not really sure, parang 2 o 3 sa main health center natin. May coming pa na 2 kung di ako nagkakamali, medyo mas malalaki ito.” Ayon kay Dr. Ricardo Panganiban, City Health Officer at Chairman ng PPC-COVAC.
Binanggit din ni Dr. Panganiban na may pribadong kompanya na dating kumukuha ng ganitong klaseng basura at puwede rin umano na Solid Waste Management Office (SWMO) ang kumuha nito pero dapat may bukod na lugar na paglalagakan.
“Actually meron sana tayong collecting partner. Kaya lang on process yung kanilang renewal ng kanilang permit, actually sila rin nangunguha sa ibang hospitals, sila din sa medical waste. [Puwede rin ang magkolekta ay] mismong Solid Waste magde-designate sila ng lugar na puwedeng paglagyan doon sa Solid waste na nakahiwalay doon sa regular na mga waste,”
Samantala nakatakda namang talakayin sa Committee on Environment ng Sangguniang Panlungsod ang usapin sa kahandaan ng lungsod sa mga ‘medical waste’ lalo na yung manggagaling sa isasagawang COVID-19 vaccination.
Discussion about this post