Pabatid mula sa Puerto Princesa City Police Office sa darating na September 9 hanggang 12, 2023 ay magkakaroon ng Bilateral Inter-Agency Law Enforcement Counter Terrorism Drill “Tempest Wind” na gaganapin sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ito ay isang pagsasanay katuwang ang Estados Unidos sa katauhan ng FBI o Federal Bureau of Investigation, kasama ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PNP, BFP, CDRRMO at iba pang lokal at national na ahensya.
Ang pagsasanay na ito ay isasagawa sa ating lungsod upang masubukan ang ating kahandaan at kakayahang gumalaw at umaksyon sa mga krisis na dala ng terorista at iba pang karahasan na may pandaigdigang epekto.
Dahil dito, sa araw ng September 9 hanggang 12, ang lugar ng Tagburos partikular sa GSMAX Construction Compound, PNP Maritime Law Enforcement Learning Center sa may Sitio Magarwak, at Honda Bay Area ay magiging lugar ng pagsasanay.
Maaring magkaroon ng pansamantalang pagbago ng ruta ng trapiko at makapakinig ng mga mailang pagsabog at putukan na dala ng pagsasanay. Mahigpit na pinagbabawal na lumapit sa lugar na nabangit.
Ayon sa PPCPO, hindi kelangang mabahala pagkat ito ay pagsasanay lamang. Meron naman mga kapulisan na nakatalaga upang umalalay sa mga kababayan at sumagot sa iba pang katanungan tungkol sa ginagawang pagsasanay.
Kaya naman ang pamunuan ng PPCPO Hinihiling ang pang-unawa at kooperasyon para sa matagumpay na pagsagawa ng pagsasanay.
Discussion about this post