Advertisement
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
ADVERTISEMENT
Home Drug War

Paggamit ng Narcotics Detection Dogs upang masugpo ang ilegal na droga, muling sinimulan ng PDEA-Mimaropa

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
January 16, 2020
in Drug War, Puerto Princesa City
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Paggamit ng Narcotics Detection Dogs upang masugpo ang ilegal na droga, muling sinimulan ng PDEA-Mimaropa

Noong ika-10 ng Enero, nagsagawa ng random inspection ang PDEA-MIMAROPA sa hub ng isang logistics company sa Puerto Princesa kasama ang K9 Narcotics Detection Dogs. Photo courtesy of PDEA MIMAROPA

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Bilang bahagi ng pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga, ngayong buwan pa lamang ng Enero ay sinimulan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Mimaropa ang Random K9 Panelling and Sweeping sa main hub ng isa sa mga courier services sa lungsod.

Ang Narcotics Detection Dog (NDD), bagama’t orihinal na nakatalaga sa Puerto Princesa City International Airport ay ilang taon na ring ginagamit ng ahensiya upang alamin kung ang mga natatanggap na padala ng mga courier services ay may lamang droga o wala.

RelatedPosts

Puerto Princesa strengthens marine plastic reduction efforts with foreign partners

Puerto Princesa prepares for 8th International Bird Photography Race

City grants extension for oil depots relocation until May 2026

Sa nasabing operasyon na isinagawa ng PDEA Airport Interdiction Unit na pinangunahan ni Agent Barreto, ay ipinaamoy sa aso ang mga package ng JRS Express na naging negatibo naman ang resulta.

ADVERTISEMENT

Sa phone interview ng Palawan Daily News (PDN) kay outgoing PDEA Regional Director Mario Ramos, wala namang bulagaang naganap sapagkat bago isinasagawa ang nasabing operasyon ay may paunang maayos na pakikipag-ugnayan sa pamunuan bagamat hindi  ipinaaalam sa kanila ang partikular na petsa at oras.

Sa hiwalay na panayam kay Agent Barreto, binanggit niyang ilang taon na rin nilang ginagawa ang nasabing operasyon.

“Parang normal operation na ng PDEA ito sa Puerto Princesa City para mapigilan o masakote natin ang mga nagpapadala [ng iligal na droga] sa mga courier services [dito],” aniya.

Dagdag pa niya, ipinaaamoy sa NDD ang mga bagahe o package upang “kung nag-positive, pwede nating ipa-verify.”

“Simula nang magkaroon ng capability ang PDEA, nagkaroon tayo ng [dalawang] K9 Narcotics Detection Dogs, ay nagsasagawa na kami ng ganyan [na mga operasyon],” aniya.

Matatandaang sa nagdaang mga taon ay ginagamit na ang mga courier services upang maipadala ang droga sa iba’t ibang lugar. Sa katunayan umano ay may nasampahan na ng kaso sa lungsod at lalawigan dahil dito na malinaw na paglabag sa section 11 o “possession of illegal drugs” ng RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act.”

Ngayon taong 2020, target ng ahensiya na mas mapaigting pa ang kampanya kontra droga at madeklarang drug cleared ang natitira pang mga barangay at munisipyo sa lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa.

Patuloy naman ang panawagan ng PDEA sa kooperasyon ng mga mamamayan sa kanilang mga hakbang upang tuluyang masugpo ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot. Iginiit ng ahensiya, na gaya ng palagian nilang sinasabi na hindi ito kaya ng gobyerno lamang bagkus, napakahalaga ng pagtutulungan at pakikiisa ng pamayanan sa ikatatagumpay nito.

Tags: k9k9 narcotics detection dogsPDEA mimaropaphilippine drug enforcement agency
Share76Tweet48
ADVERTISEMENT
Previous Post

Ilang mamamayan ng El Nido, nagsabing nakarating na ang ash fall sa kanilang bayan

Next Post

Damasco wants trike drivers to get PAGIBIG

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Puerto Princesa strengthens marine plastic reduction efforts with foreign partners
City News

Puerto Princesa strengthens marine plastic reduction efforts with foreign partners

October 26, 2025
Puerto Princesa prepares for 8th International Bird Photography Race
City News

Puerto Princesa prepares for 8th International Bird Photography Race

October 26, 2025
Freezing of ‘fuel taxes’ possible under Marcos Jr.
City News

City grants extension for oil depots relocation until May 2026

October 26, 2025
City Council seeks to increase City Sports budget
City News

City dads push 6-year moratorium vs tricycle franchise

October 26, 2025
Sta. Monica High School bans cellphone inside school premises
City News

Sta. Monica High School bans cellphone inside school premises

October 18, 2025
Puerto Princesa pushes for student’s assistance program
City News

Puerto Princesa pushes for student’s assistance program

October 16, 2025
Next Post
Damasco wants trike drivers to get PAGIBIG

Damasco wants trike drivers to get PAGIBIG

Thousands of peoples leaving Bali via port to skip 'Day of Silence'

Discussion about this post

Latest News

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

November 3, 2025
‘Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea’ — A wake Up Call for Every Filipino

‘Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea’ — A wake Up Call for Every Filipino

October 26, 2025
Puerto Princesa strengthens marine plastic reduction efforts with foreign partners

Puerto Princesa strengthens marine plastic reduction efforts with foreign partners

October 26, 2025
Puerto Princesa prepares for 8th International Bird Photography Race

Puerto Princesa prepares for 8th International Bird Photography Race

October 26, 2025
Freezing of ‘fuel taxes’ possible under Marcos Jr.

City grants extension for oil depots relocation until May 2026

October 26, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15166 shares
    Share 6066 Tweet 3792
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11552 shares
    Share 4621 Tweet 2888
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10290 shares
    Share 4116 Tweet 2573
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9704 shares
    Share 3881 Tweet 2426
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9578 shares
    Share 3831 Tweet 2395
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us