Most wanted sa batas, arestado ng Police Station 1 sa Barangay San Jose ,Puerto Princesa City ganap na 12:30 ng tanghali ika-23 ng Mayo.
Kinilala ang suspek na si Bonifacio D. Camposano, 40 anyos, tricycle driver na residente sa nasabing lugar.
Sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court, Branch 47, Puerto Princesa City, noong Oktobre 2, 2019. Sa kasong Frustrated Murder na walang pyansa.
Sa datos ng City Investigation and Detective Management Unit ng Puerto Princesa City Police Office simula noong Enero 1 at ngayon buwan 2022 nasa labing pito (17) most wanted person at 66 na wanted person ang mga nahuli ng mga awtoridad.
Pinuri din ni Puerto Princesa City Police Office Director Police Colonel Roberto M. Bucad ang mga kapulisan sa pag kakahuli ng mga nagtatago sa batas.
“I laud Police Station 1 for their concerted efforts towards the successful arrest of the wanted person who had been hiding the law for almost 2 years,” Sabi ni Bucad
Discussion about this post