Sinabi ng complainant na si Maroe Vargas na nagkaroon na sila ng pag-uusap sa barangay. Ayon kay Vargas, nag-isyu na umano ng endorsement letter ang pamunuan ng Barangay Pulot, Sofronio Española sa Coast Guard Substation para sa kanilang reklamo laban kay MC Joe Lozada.
Samantala, nagpasalamat ito sa pamunuan ng CG Sub-Station Brooke’s Point sa agarang aksyon patungkol sa insidenteng naganap nitong nakalipas na ika-21 ng Mayo, 2022.
“Gusto ko pong magpasalamat sa pamunuan ng PCG Brooke’s Point dahil sa kanilang agarang pag-aksyon sa aming reklamo at pagpapakitang walang kinikilingang pamunuan nito,” saad ni Vargas.
Kuwento pa ni Vargas matapos ang pag-uusap ay humingi naman ng paumanhin ang kanilang inirereklamo ngunit hindi na raw ito madadala ng pag hingi ng patawad.
“Pero di naman makukuha ng sorry yung trauma na naranasan ng mga minor namin na mga kasama… at yung pangambang naramdaman nila habang sumasayaw,” nilinaw ni Vargas.
“Ukol doon sa pahayag ni CG MC Joe Lozada wala na po akung dapat sabihin pa dahil ang mga nakakakilala na lang sa akin ang nakaka alam nyan at kung ganyan ba talaga ako,” dagdag pa nito.
Matatandaan na sa naging panayam ng Palawan Daily News kay MC Joe Lozada kanyang itinanggi ang paratang na hindi siya ang naunang nanulak.
Nag-file na rin ng pormal na reklamo ang kampo ni Vargas laban kay Lozada at umaasa ang mga ito na sana magkaroon ng hustisya doon sa naganap na gulo sa Barangay Pulot, Sofronio Española.
Samantala sa panayam ng Palawan Daily News kay CG Lieutenant Junior Grade Roland E. Roquita Station Commander, nakatakda ng ilipat ang kanilang tauhan sa Coast Guard District Palawan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
“Sa ngayon po ongoing ang investigation natin habang ongoing ang investigation yun bata natin na relieve na dyan sa Brooke’s dito na siya sa District para mabigyan ng time sa pag-iimbestiga,” pahayag ni Roquita.
Dagdag pa ni Roquita, sa pamunuan ng Philippine Coast Guard hindi nila hahayaan o e-tolerate ang kanilang tauhan kung ito ay may pagkakamali.
Discussion about this post