Huli ang umano’y tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng Puerto Princesa City PNP at Puerto Princesa City Government Anti-Crime Task Force sa Barangay Irawan, 1:00 P.M. Miyerkoles.
Kinalala ang suspek na si Jomar Valdez Lim, “street level target” ng PNP at “high value target” ng PDEA Palawan. Nahuli ito nang magka-abutan na ang buyer na police asset at ang suspek. Nang makumpirma na agad naman inaresto ang suspek at nakonpiska sa suspek ang marked money na nagkakahalagang P1,500 at isang pakete ng pinaghihinalaang shabu.
Iginiit ng suspek na napag-utasan lang daw siya ng kaibigan at hindi sya nagtutulak ngunit inamin neto na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot pagnamamasada para hindi antukin sa byahe.
“Gumagamit lang ako ng drugs pagnamamasada para hindi ako antukin, pero hindi ako nagbibenta,” sabi ni Lim.
Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang arestado.
Discussion about this post