Inirekomenda ng Sangguniang Panlalawigan na maaaring gawing drop-off at pick-up point ang intersection sa Brgy. Sta. Lourdes sa may banga area gayundin ang bahagi ng Robinsons Place Palawan.
Ayon sa privilege speech na galing kay Board Member Winston G. Arzaga sa ginanap na regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong Miyerkules, Enero 17.
Iminungkahi niya na magpasa ng panibagong resolusyon na humihiling sa City Government na makahanap at makatukoy ng lugar na maaaring gawing central drop-off at pick-up point ng mga pasaherong nagmumula sa bahaging norte ng lalawigan.
“As suggested by Mayor Bayron, we have to write another letter or I would propose that we pass another resolution in addition to what we already passed, but at this point, our purpose now is to request the City Government to look for a possible area as a settled drop-off and pick-point for the passengers in northern Palawan,” bahagi ng pahayag ni BM Arzaga.
Ito ay matapos mailipat ang bagong Puerto Princesa City Transport Terminal sa Brgy. Irawan kung saan napakaraming mga Palaweño ang nagparating ng hinaing sa Provincial Board gaya ng napakataas na singil ng pamasahe lalo na sa tricycle at ang oras na nasasayang dahil sa layo ng terminal sa poblacion ng lungsod.
Maliban dito ay imungkahi din ng naturang bokal na imbitahan sa Committee on Public Works, Transportation and Communications ng Sangguniang Panlalawigan ang sektor ng public transportation kabilang ang mga van operators at pangulo ng mga bus associations na bumibiyahe patungong norte upang marinig ang suhestiyon ng mga ito. Maging ang kinatawan ng Robinsons Place Palawan ay nais ding imbitahan upang ilahad ang naturang plano na posibleng makatutulong sa problemang kinakaharap ng mga pasahero.
Discussion about this post